filipino,
Tayo’y parehong umiikot sa iisang gusali
Ngunit ‘di nagkikita sapagkat walang nagtatali
Tayo’y parehong tumatawid sa iisang kalsada
Ngunit ‘di nagkakatagpo upang sana’y magkakilala
Tayo’y parehong umaakyat-baba sa iisang hagdanan
Subalit ‘di kailanman nagkakatinginan
Ito ba ang ating tadhana,
Ang maitago ang pagkakakilanlan sa likod lang ng pangalan?
Ito ba ang sa ati’y nakatakda,
Ang ilihim sa’tin ng mga pwersa, ang mukha ng bawat isa?
Marahil ito nga ang ating kapalaran,
Na manatiling mga estranghero na ‘di kailanma’y magtatagpo.
Literary: Estranghero

0 comments: