aldous dela pena,

Spoof Opinion: Bigyan ng Jacket!

3/31/2017 08:08:00 PM Media Center 0 Comments






Eto na. Majinit na naman at naghahari na ang panahon ng baskil. Nagiging swimming pool na lahat ng sulok ng katawan at naghahalo-halo na ang amoy ng UPIS students na para bang insenso na handog sa mga diyos sa itaas. Mmm. Chawaaap diba?

At siyempre hindi magpapatalo ang UPIS sa init ng panahon, kaya naman para sa Ikaapat na Markahan, nilabas ang bagong summer uniform na talaga namang fashion statement dahil sa magkapares na round-neck shirt at slacks or skirt, complete with black shoes.

At para sa mga reklamador na gustong malaman kung bakit pa nagkaroon ng summer uniform, ang masasabi lang namin d’yan, mahalaga kasi ang uniform. Kapag naka-uniform, mukhang united, ‘di mukhang squammilou. Ito ang nagsisimbolo ng pagkakaisa natin. One for all and all for one tayo, isa lang ang suot ng lahat at lahat ay isa lang ang suot. Bet?

Sa pagkakaroon ng summer uniform, hindi maipagkakailang mapapatanong ka, bakit walang rainy uniform? Bakit walang polo na may hood? Paano naman ang cap na may maliit na payong sa itaas? Baka puwede naman ang kapoteng uniform na may new and improved patch ng school? O di kaya naman ang in-demand na black rubber boots na may newly-patented logo ng UPIS na tulad ng sa Converse?

Sa isang bansang tropikal at madalas na sinasalanta at hinahambalos ng mga bagyo, hindi ba’t bilang mabubuti’t masisipag na mga estudyanteng ginagawa ang lahat para sa kinabukasan ng bayang iniibig, dapat handa tayo sa mga ito? Lalo na’t upang hindi masakripisyo ang ating nakapakahalagang edukasyon? Kinakailangan nating matuto para sa kinabukasan ng ating bayan, at makakamit natin ang maximum potential natin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasuotang angkop sa kasalukuyang panahon na sinasagisag ang sipag, utak, puso, tiyan, balun-balunan, sikmura, at bilbil. Pak para sa bayan.

Para sa mga panahong basang-basa sa ulan, walang masisilungan, at walang malalapitan, importanteng meron tayong panangga sa ulan tulad ng umbrella, ella, ella, ella, eh, eh. Mahalagang mayroon tayong uniform na naaayon sa panahon, para iwasan ang magkasakit because health is wealth!

At hindi ba’t nakatuon ang K-12 program sa globalization? E di when winter is coming, kakailanganin natin ng pang-#SweaterWeather na uniform o kaya naman raccoon coat. Para ‘di cold, diba?

And talking about cold, paano kapag sumapit na ang Pebrero at panahon na ng mga puso? Malamang sa malamang, mas malamig pa yun sa winter. Kasi ang lamig ni crush sayo eh.
Kung magka-uniporme ba sa panahon ng pag-ibig, iba pa ba ang uniporme ng umaasa at ng paasa? Iba pa ba ang uniporme ng halaman sa umiibig? Pero, may uniform naman kasi talaga para sa panahon ng mga puso. Kung sa summer uniform ang round-neck shirt ang panlaban sa init, utak lang kailangan mo sa Pebrero. Utak. Utak lang sapat na. ‘Wag mo kasi isapuso bes. Masasaktan ka lang. Huwag mong dibdibin, utakan mo na lang.

At bakit naman wala ding uniform sa Halloween? O kaya Pasko? O sa Andres Bonifacio Day? O sa Chinese New Year? Eh sembreak? Bakit walang sembreak uniform?! Napakahalaga ng sembreak, bakit walang uniporme ang UPIS dun?!

Bakit ba namin ipinaglalaban ang iba’t ibang uniform na ‘to? Bakit ba namin ipinaglalaban ‘tong rainy uniform na ‘to? Bakit kailangang bigan ng jaket ang lahat? Sa totoo lang, di rin namin alam. Pero kung may summer uniform naman kasi, why not rainy uniform? Masaya lang isipin na kapag nagkaroon tayo ng rainy uniform, tayo ang kauna-unahang unibersidad na mayroon nito! Let’s get to it UPIS, alam niyo na ang isinisigaw ng aming mga puso. #UPISRepresent // nina Aldous dela Peña at Hannah Manalo 

You Might Also Like

0 comments: