DiMaAninag,
Si Kim Bok Teng ay isang student-athlete sa UPIS, na kilala sa kanyang 5 pirasong bangs at maiksing buhok. Ang paborito niyang asignatura ay Filipino at hindi siya nahuhuli sa kanyang mga klase kahit nasa malayong lugar ang kanyang tirahan. Siya’y nanggaling sa pamilya ng mga kargador at naimpluwensiyahan ng mga matatalik niyang kaibigan na sina Shee Nan at Seon Oks.
Marami na siyang napatunayan sa kanyang mga kompetisyon, tulad ng pagkakapanalo niya ng “Rookie of the Year” award noong UAAP Season 29. Siya ang kasalukuyang may hawak ng record ng may pinakamabigat na nabuhat sa UPIS. Nanalo rin siya sa NCR Buwan ng Weightlifting sa ikaanim na sunod-sunod na taon, at dito nakilala ang kanyang signature pose na naka-pamewang at umuubo pagtapos niyang ibaba ang barbell. Sa oras na naibaba na niya ang barbell, kailangan itutok na agad sa kaniya ang 3 malalaking electric fan upang hindi siya kapusin ng hininga. “Sana nga makasama ko si Heidelyn Diaz,” wika niya sa kanyang talumafterparty.
Kamakailan lang ay nanalo siya bilang pambato ng UPIS sa Ovaltine Big Olympics na ginanap sa hindi pa natatapos na UPIS Gymnasium. Sa kanyang panayam ay di maiwasan ni Kim Bok Teng na maiyak sa kakaubo dahil nagkaron pala siya ng tuberkuliti. Ganun pa man ay nagkamit siya ng gintong medalya sa event na “Weightliftalumpati”, kung saan kailangan magpakita ng dinamismo at iba pang aspeto habang nagbubuhat. Bilang premyo, nag-uwi siya ng sandamakmak na pakete ng “Ovaltines”. “Aigoo! Pag may tiyaga, may Bok Chicken. Aigoo!” sinabi ni Bok Teng habang umuubo at ngumunguya ng kendi. Proud na proud ang buong UPIS sa kaniya.
Sa paparating na Sabayang Pagbuhat, siya’y nagsimula nang mag-ensayo sa kanyang weightlifting dahil bumigat siya at lilipat sa mas mataas na weight division. Ang Sabayang Pagbuhat ay isang kompetisyon kung saan sabay-sabay na magbubuhat ang mga manlalaro habang nagmomonologo. Ayon sa kaniya, ang bibigkasin niya ay ilang kabanata mula sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Syempre hindi papahuli, ang tagasuporta ni Kim Bok Teng at kaniya ring oppa na si Mang Joon Hyoong. Siya ang tagapaghintay ni Bok Teng pati na rin ng buong UPIS. Hindi siya umuuwi hangga’t nandito pa si Bok Teng. Tuwing natatapos ang training ni Bok Teng, sabay silang kumakain ng Bok Surprise. Pero kahit ganito, ayaw niyang pumupunta si Mang Joon Hyung sa kaniyang mga kompetisyon. Buong akala ni Kim Bok Teng ay may pagtingin sa kanya si Mang Joon Hyoong, ngunit OJT lang pala ni Mang Joon Hyoong ang paghihintay sa lahat na makauwi bago isarado ang school.
Kaakibat ng kanyang natamong mga medalya ay mga pagsubok na paparating pa lamang. May mga pagkakataong nagkakasakit na siya at nagkakaroon ng malalang ubo, kaya naman lagi niyang dala ang supply ng kendi at ang kaniyang pangmalakasang pamaypay na tinalo pa ang number 3 sa ordinaryong electric fan. Kahit na may pinagdaraanan, nagttraining pa rin siya nang buong puso at buong lalamunan. Fighting! // nina Jaja Ledesma, Paola Pagulayan at Layla Wadi
Spoof Feature: Kim Bok Teng Sweeeg!

0 comments: