beca sinchongco,

UPIS, humakot ng gantimpala sa Ateneo YES

3/08/2017 08:08:00 PM Media Center 0 Comments



Humakot ng mga parangal ang UPIS sa naganap na Ateneo Youth Economics Summit 2017: Environmental Convergence noong Pebrero 28 sa Leong Hall Auditorium ng Ateneo De Manila University.

Nakuha ng pangkat nina Wenona Catubig, Bryant Galicia, Elkan Reyes, Eunice Ruivivar, at Anne Roxette Ticman ang ikalawang gantimpala para sa Policy Paper Making. Ikatlong gantimpla naman ang nakamit ni Alexandra Arugay ng Grado 10 para Extemporaneous Speech at ng pangkat nina Michael Casama, Sheena Labordo, at Patience Ventura para sa Quiz Bee.

TAAS-NOO. Buong pagmamalaking ipinamalas ng mga kinatawan ng UPIS ang kanilang mga sertipiko sa naganap na YES. Photo credit: Bb. Laarni Cabrales


Lumahok din sa Quiz Bee ang pangkat nina Gwen Dulay at Elijah Galang na nasungkit ang ikaapat na gantimpala at sina Jarod de Luna, Christian Sarabia, at Lander Suguitan na nakuha ang ikalimang pwesto.

Ang Youth Economics Summit (YES) ay isang pagtitipon ng mga mag-aaral sa high school mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang sa programa ng YES para sa taong ito ang pagsasagawa ng mga forum at at pagdaraos ng mga patimpalak naglalayong linangin ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa ekonomiks. //ni Beca Sinchongco

ERRATUM: Kabilang si Aldrich de Ocampo para sa kategorya ng Policy Paper Making samantalang si Phil Brian Cosep naman ay kabilang sa pangkat nina Gwen Dulay at Elijah Galang sa Quiz Bee.

You Might Also Like

0 comments: