filipino,
Sa isang malaking konsiyerto
Habang pinapanood ang ating idolo
Sa gitna ng maraming tao
Nagtagpo ang mga mata mo at mata ko.
Matagal tayong nagkatitigan
At ang pagpikit ng isa’y inaabangan
Ang tagal mo bago kumurap
Parang ‘di maabot-abot na pangarap.
Nasa iyo lamang ang aking atensyon
Tila walang konsiyertong nagaganap noon,
Parang walang mga taong naghihiyawan,
Tanging naririnig lang ay ang pusong kinakabahan.
Lumipas ang ilang oras
Ang lugar kung nasaan ka ay aking binagtas
Kinakabahang baka ako’y iyong lapitan
Natatakot na baka bigla mo akong kapitan
Dahan-dahan kang tumungo sa’king direksyon
Butil-butil na pawis ang nasa mukha ko ngayon
Ika’y nariyan na sa aking harapan
At hinila ang aking kasuotan.
Sabay sabi:
“Excuse me po sir, kanina pa kayo
Masyado na kayong nanggugulo
Mangyari lamang pong lumabas na kayo
Dahil marami na kayong naiistorbo!”
Literary: Kaba
Sa isang malaking konsiyerto
Habang pinapanood ang ating idolo
Sa gitna ng maraming tao
Nagtagpo ang mga mata mo at mata ko.
Matagal tayong nagkatitigan
At ang pagpikit ng isa’y inaabangan
Ang tagal mo bago kumurap
Parang ‘di maabot-abot na pangarap.
Nasa iyo lamang ang aking atensyon
Tila walang konsiyertong nagaganap noon,
Parang walang mga taong naghihiyawan,
Tanging naririnig lang ay ang pusong kinakabahan.
Lumipas ang ilang oras
Ang lugar kung nasaan ka ay aking binagtas
Kinakabahang baka ako’y iyong lapitan
Natatakot na baka bigla mo akong kapitan
Dahan-dahan kang tumungo sa’king direksyon
Butil-butil na pawis ang nasa mukha ko ngayon
Ika’y nariyan na sa aking harapan
At hinila ang aking kasuotan.
Sabay sabi:
“Excuse me po sir, kanina pa kayo
Masyado na kayong nanggugulo
Mangyari lamang pong lumabas na kayo
Dahil marami na kayong naiistorbo!”
0 comments: