beca sinchongco,

KAT at GAT 2017-2018, idinaos

3/30/2017 08:00:00 PM Media Center 0 Comments



Natapos na ang Grade 7 Admission Test (GAT) noong Marso 4 at ang Kindergarten Admission Test (KAT) noong Marso 18, 20, 25, 27, para sa akademikong taon 2017-2018.

Ang GAT ay ang entrance exam ng UPIS para sa Grado 7 habang ang KAT naman ang para sa Kindergarten. Sumailalim din sa GAT ang mga estudyanteng nais pumasok sa Varsity Athletic Admission.

ANTISIPASYON. Sinalubong ng mga magulang ang kanilang mga anak matapos ang PM session ng Grade 7 Admission Test (GAT). Photo Credit: Janella Francisco

Mayroong 680 na mag-aaral mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan ang kumuha ng GAT. Mula sa bilang na ito, 15 estudyante ang kukunin bilang lateral entrants para sa akademikong taon 2017-2018. Hiwalay pa rito ang 10 varsity players na tatanggapin sa ilalim ng VAAS Program.
 Kumuha rin ng GAT bilang placement test ang 95 na estudyanteng kasalukuyang Grado 6 sa UPIS.

Samantala, isinagawa ang KAT noong Marso 18, 20, 25, at 27. Sa 1,469 na aplikanteng kumuha nito, 1,349 ang mga anak ng non-UP personnel habang 120 ang sa UP personnel. Animnapung porsyento (60%) ng mga tatanggaping estudyante ang magmumula sa mga anak ng UP personnel.

Inaasahang sa Abril 10 mailalabas ang resulta ng GAT at sa Mayo 8 naman ang sa KAT. //ni Beca Sinchongco

You Might Also Like

0 comments: