afpsat,
Sumailalim ang mga mag-aaral ng Grado 11 sa pilot testing ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) noong Pebrero 23.
Pinangunahan ng ilang sikolohista at sarhento mula sa AFP ang nabanggit na gawain.
Ayon sa mga nagsagawa ng pilot testing, ang mga resulta, komento, at mungkahi ng mga mag-aaral ay gagamiting batayan ng AFP para sa ibayong pagpapabuti ng AFPSAT.
Ang pagtugon ng paaralan sa imbitasyong ito ay nagsilbing tulong ng UPIS para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Bukod dito, makatutulong din ito sa paghahanda ng mga mag-aaral ng Grado 11 sa nalalapit na University of the Philippines College Admission Test (UPCAT).
Ang AFPSAT ay ang pagsusulit para sa mga nais maging opisyal o kawal ng Philippine Army. Nilalayon nitong tiyakin na pasok sa mga pamantayan ng institusyon ang mga tatanggaping aplikante. Kasalukuyan itong nirerebisa bunsod ng K-12 curriculum. //ni Cedric Jacobo
Grado 11, lumahok sa pilot testing ng AFPSAT
Sumailalim ang mga mag-aaral ng Grado 11 sa pilot testing ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) noong Pebrero 23.
Pinangunahan ng ilang sikolohista at sarhento mula sa AFP ang nabanggit na gawain.
Ayon sa mga nagsagawa ng pilot testing, ang mga resulta, komento, at mungkahi ng mga mag-aaral ay gagamiting batayan ng AFP para sa ibayong pagpapabuti ng AFPSAT.
PRE-TESTING. Ipinaliliwanag ng isang
sarhento mula sa AFP ang mga layunin ng pilot testing sa mga mag-aaral ng Grado
11. Photo Credit: Bb. Laarni Cabrales
|

0 comments: