elora,

Literary: You're Still The Bes(t) x The Only Bes(t)

3/17/2017 07:59:00 PM Media Center 0 Comments




You’re Still The Bes(t)

Simula umaga hanggang pag-uwi, tayo’y magkasabay,
Nung na-sprain ako sa P.E., ako’y iyong inakay.
Tuwing magka-cut tayo ng klase, ikaw ang siyang bantay,
Maituturing nga talagang tayong dalawa na kapwa pasaway.

Nalalaman mo ang sikretong itinatago ko,
Wala na yata akong maililihim pa sa’yo.
Palagi tayong magka-partner sa seatworks sa trigo,
Kaya madalas, napapagkamalang tayo.

Nitong nakaraang prom, tinext mo ako ng “I’m here and I’ll wait.”
Tumawag ka pa nga para sabihing di ka sinipot ng iyong date.
Kahihintay mo sa’kin, pareho tuloy tayong na-late,
Kaya iyon, sabay tayong pumasok sa hall gate.

Nakatitig lamang sila sa atin,
Kinakabahan ang dibdib ko.
Bigla na lamang may humatak sa’yo
Nang mapagtanto ko kung sino
Matinding kirot sa puso ang naramdaman ko.

Nand’yan pala siya, niyakap at hinagkan ka,
Sabay sabing, “OMG! Sorry nalimutan ko, date nga pala kita!”
Anong klaseng tao ‘yan at nakalimutan niya ang dapat niyang kasama
Hinawakan niya ang kamay mo at sa dance floor, ika’y hinila.

Eto ako, mag-isang kumain, sumayaw at umuwi,
Ikaw naman, kasama mo siya sa isang after-party.
Nang sumunod na linggo, kailangan kitang makausap at masabi,
Ang matagal ko nang kinikimkim sa sarili.

Hapon, nilakasan ko ang loob ko para kausapin ka,
Ngunit magkahawak-kamay ko pa kayong nakita.
Kinikilig ka pang sinabi na “Bes, kami na!”
“Bes, mahal nga pala kita.”
Ang gusto kong sabihin.
Kay tagal na.

The Only Bes(t)

Ikaw lang ang taong lagi kong hinihintay.
Kapag kasama kita, hindi ako nalulumbay.
Kahit na madalas pagalitan ng mga magulang,
Hindi ko kayang sa’yo ay mawalay

Sa lahat ng problema, ako ang takbuhan mo,
Acads man, pamilya o sa mga manliligaw mo.
Lahat ng bagay ay magkasama tayo.
Tawag na nila sa’tin ay “the amazing duo”.

Nitong prom, akala ko it’s going to be great
Ano ba kasing ginawa ko para ‘di siputin ng date?
Binigyan ko naman siya ng roses and chocolate
Tinanong pa sa harap ng classmate.

Buti na lang, bes nand’yan ka
Para di naman ako mag-isa.
Pero wala kang date, nakapagtataka.
Sa ganda ng bes ko, walang nagyaya?

Hawak mo ang aking braso sa pagpasok.
Tinawanan kasi kita ng ikaw ay matapilok.
Ngunit bigla sa braso ko’y may humatak,
May humila sa akin papunta sa isang sulok.

Pasensya na, bes kung naiwan kita
Di ko alam na nasa loob na pala siya.
Wala talaga akong intensyon iwan kang mag-isa
Pangako, babawi ako kahit na kami na.

Nang nalaman mo ang balita ko sa’yo,
Parang ang bestfriend ko, biglang naglaho.
Kahit may kahati ka na, sana’y maintindihan mo,
Ikaw lang ang tanging bes ko.

You Might Also Like

0 comments: