cedric jacobo,

Summer uniform sa UPIS, naipatupad na

3/30/2017 07:46:00 PM Media Center 0 Comments



Opisyal nang ipinatutupad sa mga estudyante ng UPIS ang pagsusuot ng summer uniform nitong Martes, Marso 21 bilang paghahanda sa mainit na panahon sa oras ng klase.

Ang summer uniform ay binubuo ng puting t-shirt na may bagong UPIS logo at shorts sa mga estudyanteng lalaki sa K-2 at slacks para sa 3-11. Sa mga kababaihan ay skirt mula K-10 samantalang slacks naman sa mga estudyanteng babae sa Grado 11.

PAGHAHANDA SA TAG-INIT. Suot-suot ng mga mag-aaral ng hayskul ang kanilang summer uniform. Puting t-shirt na may logo ng UPIS ang pang-itaas ng summer uniform samantalang pinanatili ang pang-ibaba ng regular na uniporme. Photo credits: Lorenzo Bautista


Bago ang pagpapatupad, nagsagawa ng sarbey ang pamunuan ng UPIS sa mga mag-aaral kaugnay ng pagkakaroon ng bagong uniporme tuwing tag-init. Itinanong din sa sarbey kung ano ang nais ng mga mag-aaral na gamiting pang-ibaba sa kanilang summer uniform . Nanalo sa sarbey ang pagkakaroon ng bagong uniporme ngunit nais nilang panatalihin ang pang-ibaba ng kanilang regular uniform.

Pinangasiwaan ng Faculty Club sa pamumuno ni Prop. Portia Dimabuyu ang pagkuha ng mga order, pagpapagawa at pamamahagi ng summer uniform. //ni Cedric Jacobo

You Might Also Like

0 comments: