carlos laderas,
Tinalo ng beteranong University of the Philippines Integrated School (UPIS) Thunder Maroons ang UPIS Teaching Maroons sa isang dikdikang laban sa University Perspiration Basketball Association all-star game sa iskor na 152-146 sa Taralets Astrodome noong Pebrero 30, 2017.
Pinangunahan ng beteranong 66 taong gulang na si Kastillon daGil ang Thunder Maroons sa kanyang triple-double performance, 83 puntos, 16 rebounds, at 12 assists. Tinulungan rin siya nina Green Go at Rayray Cadab na nakapagtala ng tig-8 na puntos.
Sa unang 12 minuto ng laro, ibinaon agad ng Teaching Maroons ang Thunder Maroons sa pangunguna nina Big Bam Theory at ng “diyos” o “point-god” na si Pancit Yton sa pamamagitan ng kanilang techniques, ang “Dozen Matter at “Geometrical Dish Codes” at nagtala sila ng 46-8 na iskor sa 1st Quarter.
Tinuloy-tuloy ng nagbabagang Teaching Maroons ang pagpapaulan ng puntos sa Thunder Maroons sa 2nd Quarter. Dahil sa dikitang depensa at malaking katawan ni Phaul Volt, nanlamig si Kikay Kit na di nakaiskor. Natapos ang 2nd quarter sa iskor na 82-16.
Matapos ang kabagot-bagot na first half, isang mainit na 3rd Quarter ang ipinakita ng mga koponan. Tumakbo ang Thunder Maroons sa pangunguna ng living legend na si Kastillon daGil at hinabol ang score sa 85 all.
Nagkaroon pa ng mainit na bakbakan sa gitna ng court matapos batukan ni Phaul Volt si Kikay Kit at nadislocate ang ulo nito sa dulong bahagi ng 3rd quarter ngunit napigilan naman ng mga awtoridad ang karambolang dinulot nito.
Niresbakan ng Thunder Maroons ang Teaching Maroons sa huling quarter dahil sa pagkapikon. Napuno ng balyahan nina Big Bam Theory at Amazing DynaMyc ang ilalim ng board samantalang nagpakita ng sari-sariling cha-cha at dance steps ang mga guwardiya na si Pancit Yton at Rayray Cadab.
Sa kabila ng mainit na simula, madaling napagod ang Teaching Maroons kaya naman nakahabol ang Thunder Maroons at tumabla ang iskor sa 146. Isang dumadagundong na dunk ang ginawa ni DaGil kaya naman – ang Teaching Maroons at nabigyan na sila ng 152 – 146 na lamang. Di na nakahabol ang Teaching Maroons.
“Grabe yung laro, na-harass ako kay Phaul Volt,” ika ni Kit na nakaliit ng 241 degrees ang ulo. Ayon naman kay daGil, “Malakas pa rin pala kami, nakakatakbo at nakakatalon pa. Kaya pa, may maibubuga pa. Hindi nila ako kinaya nung 2nd half eh, kala nila sa kanila na ang panalo. Don’t underestimate me mga tsong.”
Ikinagulat naman ng coach ng Teaching Maroons na si Donald the Principle ang paghabol ng Thunder Maroons. “Grabehan, KKLK, Lit sila sobra. Paglabas nila nung dugout kaninang half time parang mababangis, at tila nag-aalab silang mandirigma. Kala mo mga Spartan sa 300 eh ugh,” pagkagulat niya.
Hindi naglaro ang star player ng Teaching Maroons na si O-Dyk dahil sa fractured esophagus ngunit ayon sa coaching staff nila ginagamot na ni Green Thumb Guzab, ang kanilang organic therapist, na si O-Dyk.
Sa kabila ng pagkatalo, pumukol ng walong 3-point shots si Brend Derson, si G-Shock the batak na naman ay may 21/21 na freethrow shooting, at si Big Bam Theory na nagpakawala ng 69 puntos para sa Teaching Maroons. // nina Carlos Laderas, Nathan Ramos at Jaggie Gregorio
Spoof Sports: Teaching Maroons pinataob ng Thunder Maroons

0 comments: