beca sinchongco,
Umiiyak at tulo ang uhog nang matagpuan ng mga awtoridad ang mga batang namamalimos na sina Budong, Amak, at Bayut sa Vinzons Biyernes ng hapon kahapon.
Nag-iistretching sina Bayut para sa kanilang pang-araw-araw na modus operandi sa bakuran ng Sunken Garden nang bigla silang harangin ng batang UPIS na binatukan nila noong isang araw. Umaktong sasapakin ng batang Isko sina Bayut nang bigla itong mag nae-nae.
Nabilaukan ang mga tao na kumakain sa Vinzons nang biglang tumugtog ang Juju on the Beat sa boombike na dala ng mga estudyante.
Ayon sa isang kuya na kumakain “Nabigla kami, pagtingin namin naka-eagle formation yung mga batang naka summer uniform. Tapos nakakamangha kasi super sweg nila pagkadouble-dab nagsiluhuran yung mga street children at nagmakaawang wag na silang saktan”
Proud na proud ang mga nagpapadaan na taga-UPIS sa nasaksihang showdown. Habang naghihinagpis naman ang mga natalong street children dahil sa kahihiyang natamo.
Panayam ng lider ng mga rumesbak na isko, “Simula Martes pa po kami nag-eensayo para sa aming routine. Humanap po ako ng mga multi-talented na katropa na kayang humarap sa panganib na dala ng showdown at nagpa-coach rin po kami kay Teacher Georcelle ng G-force para lang dito. Ang sarap po sa feeling, parang nabawi ko na rin po yung bente ko. Sana po magsilbing leksyon ito sa lahat ngunit kami po ay nalugi dahil 1500 per session ang binayaran naming kay T. Georcelle para lamang mabawi ang bente pesos namin.”
Tinaguriang “The Resbak Dab-King” ang naturang estudyante. Kasalukuyan niyang ipinaglalaban ang kaniyang adhikain na: Idaan na lang sa sayawan, Kapayapaan sa mga kalsada ng UP Diliman. / nina Hanzvic Dellomas, Beca Sinchongco
Spoof News: Batang hinampas, gumanti!

0 comments: