DiMaAninag,
Structural-Functional
Sinasabi sa teoryang ito, ang bawat tao ay may tungkulin
Ako, tungkulin kong gumawa ng tula para sa iyo
At ikaw, tungkulin mong basahin ito
Conflict Theory
Ang ating sitwasyon ay parang conflict theory
Dalawang pwersang nagtutunggalian
Ang pwersa ng mayaman at pwersa ng mahirap-
Ako, na mayaman-- mayaman sa pagmamahal
At ikaw, na mahirap-- mahirap mahalin dahil ang tulad mo
Ay nasa taas--- na kailanman ay di ko maabot
Symbolic Interaction
Ang iyong pagtingin ay binigyan ko ng kahulugan
Kahulugan na para sa akin lamang
Hindi ko alam kung dapat paniwalaan
Dahil ang iyong pagtingin, kilig ang dating sa akin
Samantalang sa’yo, ang ibig sabihin nito ay:
“Makinig ka naman sa akin!”
Deconstruction
Ayon kay Roland Barthes, “the author is dead.”
Nais kong ikaw na ang humusga sa aking tula
Ikaw na ang bahalang magpakahulugan
Basta isa lang ang alam ko: ang sumulat ng tulang ito
Ay dead na dead sayo
Spoof Literary: Alleson Learned

0 comments: