filipino,

Estudyante ng UPIS, naholdap

3/30/2017 07:37:00 PM Media Center 0 Comments



Nabiktima ng panghoholdap at tangkang pananaksak ang isang mag-aaral ng Grado 11 habang pauwi ito sakay ng jeep papuntang SM North EDSA noong Biyernes, Marso 17.

Nakahinto ang sinasakyan niyang jeep sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center sa North Ave. nang sumampa ang dalawang lalaking may dalang ice pick at kutsilyo at nagdeklara ng holdap. Tinangkang saksakin ng mga kawatan ang biktima nang makitang sinusubukang itago ng estudyante ang kanyang wallet at cellphone. Ginamit na panangga ng biktima ang kanyang bag upang maiwasan ang tangkang pananaksak ng mga holdaper. Nakuha ng mga kawatan ang wallet ng biktimang estudyante.

Natukoy ng biktima ang mga holdaper mula sa wanted list ng pulisya. Kinasuhan na ng robbery with attempted homicide ang mga suspek na natuklasang dati nang tinutugis dahil sa iba pang kaso ng pagnanakaw.

Ipinagbigay alam ng mga magulang ng biktima sa paaralan ang insidente upang mapaalalahanan ang mga mag-aaral ng UPIS na maging maingat at alerto sa lahat ng pagkakataon. //ni Hanzvic Dellomas

You Might Also Like

0 comments: