beca sinchongco,

Election period, simula na

3/30/2017 07:56:00 PM Media Center 0 Comments



Opisyal nang binuksan ng Senior Council (SC) ang election period para sa HALALAN 2017 na may temang “KAPITBISIG: Dream Together, Lead Together” noong Marso 28.

Sinimulan na ng SC ang pamamahagi ng mga Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nagnanais na tumakbo sa eleksyon. Binibigyan ang mga kandidato ng hanggang Abril 7 upang isumite ang kanilang COCs.

Tatagal ang panahon ng kampanya mula Abril 18 hanggang Mayo 2. Magkakaroon ng
Miting de Avance para sa mga Year Level Organization (YLOs) sa Abril 27 at ang sa Pamunuan ng Kamag-aral (pKA) sa Mayo 2.

Gaganapin ang HALALAN sa Mayo 4 at inaasahang sa Mayo 16 ay maidedeklara ang mga nanalo sa eleksyon. //ni Chesca Santiago at Beca Sinchongco

You Might Also Like

0 comments: