barcode,
Nakakilala na ako ng…
Mga taong napagod nang maniwala sa mga bulalakaw sa kalangitan tuwing gabi
Mga taong hindi na humihiling sa bawat pilik-matang nahuhulog
Mga taong hinahayaan na lang na lumipas ang bawat alas-onse
Mga taong tumigil na sa pagtitiwala sa nasa itaas na nagtatakda ng tadhana
Mga taong natakot nang umibig
Pero
Nasaksihan ko na rin ang…
Mga taong patuloy na nag-aabang sa mga talang nahuhulog sa bawat gabi
Mga taong binabantayan ang kanilang pilik-mata sa tuwing titingin sila sa salamin
Mga taong hindi kailanman nahuhuli sa pagpatak ng alas-onse ng gabi
Mga taong pinaniniwalaan pa rin ang tadhana kahit na minsan na sila nitong dinaya
Mga taong puno ng tapang
Para muling harapin ang pag-ibig
Sa mundong ito,
Dalawa lang ang klase ng mga tao
Ang mga takot nang maniwala sa pag-ibig
At
Ang mga umaasa pa rin dito
Mga taong takot nang magmahal tulad mo
At
Mga taong umaasa pa rin gaya ko
Literary: Dalawang Klase ng Tao

ANG SAKIT NAMAN!
ReplyDelete