filipino,

Literary: Hey PPL!

3/02/2017 08:27:00 PM Media Center 0 Comments





“Hey PPL! Pakidala raw yung resibo sa Tuesday sabi ni mam. See you tom! – GM. #ClassPresidentDuties”

Bida-bida na naman ‘tong si Class Pres. Binoto na nga ‘yung sarili kailangan pang mag-group message ng reminders. Wala ba silang internet sa bahay? Kung ako lang kasi sana ‘yung nanalo e di sana hindi pa siya nag-aaksaya ng load. Pero Vice President lang kasi ako. Bahala siya, load niya naman ‘yon.

“Hey PPL! Paki-try pumasok nang maaga kasi ako ‘yung pinagalitan kanina dahil sa mga late. Salamat –GM. #FirstDayFirstSermon”

Eh ano naman kung ma-late? Pinatatamaan niya lang ako kasi ako ‘yung pinaka-late kanina. Tsaka napagalitan naman na kami ni maam ah. ‘Di pa ba sapat ‘yun?'

“Hey PPL! Homework sa math ha?! Para hindi ako mapagalitan. Tnx.– GM. #HanapinAngX”

Hindi lang naman siya ang napapagalitan ‘pag maraming walang homework. Buong klase kaya! Bakit lagi niya na lang inaako? Pati kapag may trabaho ang class officers, si Secretary lang ang kinakausap. Ano, silang dalawa lang officers? Palibhasa maputi si Secretary kaya sinusubukang landiin. Tsk.

“Hey PPL! Lang Hw kaya tulog nang maaga.
@VicePres @Secretary: Meeting tom lunch time. rm 111 see u. – GM.”

Sana PM na lang po.

“Hey PPL. Sorry absent. But don’t worry - GM #SickDay”

Dami mo namang iniwang trabaho sa’kin. Sana nagsabi ka para naka-prepare ako. ‘Di tuloy ako nakakain ng lunch. Mukhang hindi pa ako makakapag-dinner nito. Hays.

--------

“Hey PPL! Payment para sa prom. Bawal mag-promposal kung hindi pa bayad. –GM #LangDate”

‘Yung totoo, si Vice President lang naman sinesendan ko ng GM eh. Para naman may silbi ‘yung paghingi ko ng number niya. Tsaka ang cute niya kapag naiinis siya sa akin, dahil na rin siguro ‘yun sa ako ‘yung nanalo bilang Class President.

“Hey PPL! Marriage booth daw kayo sabi ng GSP. – GM #FebIbig”

Nakontsaba ko na si Secretary, sabi ko sa kanya ipakasal kami ni Vice President bukas. Syempre mag-aacting ako na ayoko pero deep inside mamamatay na ako sa kilig. Sigurado maiinis na naman sa’kin si Vice President at naka-pout na naman siya buong araw.

“Hey PPL! By pair daw ‘yung pag-dissect ng froggie. Hanap na kayo ng matapang na partner –GM #YungKayaKangIpagLaban.”

Lahat ng kaibigan ni VicePres ay duwag kaya napilitan siyang piliin akong partner. Swerte siya, ako napili niya. Ipaglalaban ko talaga siya.

“Hey PPL! Yung partner daw sa pag-dissect ng palaka, ‘yun na rin ‘yung buddy sa field trip sabi ni ma’am. Punta kayo sa’kin para sa seat plan bukas. –GM #FieldTrippin”

GM na talaga ‘yan pero ako lang ‘yung gumawa ng rule na yan hehe. Para ‘lam niyo naman, masolo si Vice Pres. Siguradong naka-pout na naman ‘yan sa sobrang inis sa’kin sa buong fieldtrip.

“Hey PPL!!!!! 2 DAYS B4 PROM!!! BEHAVE AH!!!! GOOD LUCK SA MGA MAGCO-COTILLION!!!
@VicePresident: BE MY DATE? –GM.”

Pinadaan ko ‘yang message na ‘yan pati sa adviser namin. Hinintay ko ‘yung sagot niya hanggang madaling araw pero hindi siya sumagot. Ano nalang mukhang ihaharap ko bukas?

----

“Hey PPL!!!!! 2 DAYS B4 PROM!!! BEHAVE AH!!!! GOOD LUCK SA MGA MAGCO-COTILLION!!!
@VicePresident: BE MY DATE? –GM.”

NAKAKAINIS. PWEDE NAMANG PM NA LANG, TALAGANG GM PA?!!!

Pero aaminin ko na kinikilig ako. Kasi ba naman, ‘di niya talaga ako pinaghawak ng palaka kasi alam niyang takot ako. Puro paper works lang ‘yung akin. ‘Yung sa field trip naman, alam kong siya lang nagsasabi na dapat ‘yung partner sa pag-dissect ay buddy na rin sa fieldtrip. Duh? Officer din kaya ako!

“OO NA CLASS PRES. DATE NA KITA” (Message Sending Failed)
“Your current balance is PHP0.00. Please reload immediately ” TALAGANG NGAYON PA AH.
---

Trending ang promposal ko kagabi. Wala naman akong masasagot kasi siya nga ‘di pa sumasagot tapos mukhang late pa siya ngayon. Wala na talaga akong pag-asa.

“Vice President, you’re late again?” sigaw ni Adviser. Papagalitan na naman ako.

“Sorry po, ma’am. Pero pwede po bang mag-announce?” Announcement? Dapat dadaan muna sa’kin ‘yun ah.

“Okay na pala ma’am, sent na po pala GM ko.”

“Hey PPL! PROM NA BUKAS! BEHAVE AH! GOODLUCK SA MGA MAGCO-COTILLION!

@President: Sorry nawalan ako ng load kagabi pero YES!”

You Might Also Like

0 comments: