faber castell 0.7,
Mahabang pila,
Mabagal na pag-usad,
Naghihintay, nagtatiyaga
Tinatanaw ka mula sa bungad.
Sa kabila ng maraming tao,
Sa ilang metrong hakbang,
Sa bawat oras na sinayang ko,
Kakatanaw, kakaabang.
Darating ka pa ba?
O baka dumaan ka na ?
Pinalagpas na ba kita?
O konting hintay pa?
Tumatakbong panahon,
Di malaman kung kailan,
Magiging tama ang pagkakataon,
At matamis ang pagtitinginan.
Tahimik na nakatayo,
Sa kabila ng ingay ng iba,
Sinubukang marinig ang tibok ng puso,
Bawat pintig ay inunawa,
At aking napagtanto
Ito ang binubulong ng puso:
Sino pa bang hinahanap mo,
Kanina pa ako nandito,
Sana'y mapansin mo naman ako
Matiyagang naghihintay katabi mo.
Literary: Tabi
Mahabang pila,
Naghihintay, nagtatiyaga
Tinatanaw ka mula sa bungad.
Sa kabila ng maraming tao,
Sa ilang metrong hakbang,
Sa bawat oras na sinayang ko,
Kakatanaw, kakaabang.
Darating ka pa ba?
O baka dumaan ka na ?
Pinalagpas na ba kita?
O konting hintay pa?
Tumatakbong panahon,
Di malaman kung kailan,
Magiging tama ang pagkakataon,
At matamis ang pagtitinginan.
Tahimik na nakatayo,
Sa kabila ng ingay ng iba,
Sinubukang marinig ang tibok ng puso,
Bawat pintig ay inunawa,
At aking napagtanto
Ito ang binubulong ng puso:
Sino pa bang hinahanap mo,
Kanina pa ako nandito,
Sana'y mapansin mo naman ako
Matiyagang naghihintay katabi mo.
0 comments: