literary,
Literary (Submission): Pangarap
Sa aking panaginip ikaw ang nakikita
Ang totoo’y napapangarap kita
Hindi ko maisip, at hindi mawari
Kung bakit lagi na lang hinahanap-hanap ka
Marahil, ikaw at ang aking pangarap ay iisa.
Sabi nila kung ikaw ay may pangarap
‘Piliting abutin, wag mong susukuan,
Ngunit paano kung ang kalooban ay ilang beses nang nasaktan
Sa pangarap na itong tila hindi naman makakamtan
Sa kabila ng lahat, magagawa pa kayang ikaw ay layuan?
Ikaw ang pangarap kong bituin
Nagbibigay ningning sa gabing madilim
Ngunit kahit anong subok ay walang nararating
Kailan kaya magliliwanag ang mga gabi kong walang ningning?
Iyan ang aking tanong na sana’y iyong sagutin.
Minsan kahit anong tanggi ng aking damdamin
Wala pa ring nagbabago sa akin
Puso na para sa’yo lamang tumitibok
Kaya pati ang aking isipan ay hindi mahimok
Na ika’y layuan at tulayan nang malimot.
Marahil habambuhay akong aasa
Ngunit tila marami na yatang nagawa upang huminto pa
Ako’y walang mararating kung lagi na lang susuko
Kahit ngayon lang ay pagbibigyan ang nais ng puso
Nang sa huli ay masabi sa sarili sinubukan kong pangarap ay maabot.
0 comments: