filipino,

Literary: Highschool Life

4/13/2015 07:57:00 PM Media Center 0 Comments


1st year aka “New” Year,

Ito ‘yung taong maraming bago. Pati ka-batch may bago. At dahil galing kayo sa pagiging ate at kuya ng elem, baby naman kayo ng high school. Hindi pa kasalanan ang maglaro-laro, tumakbo sa corridors. Magharutan sa canteen. Ito rin yung taon na medyo petiks pa ‘yung subjects kaya i-push niyo na agad yung best niyo kasi pampuhunan niyo ‘yan.

2nd year aka “Neutral” Year,

Ito naman yung year na medyo neutral lang kayo. Pero medyo nagkakaboses na kayo by this time. Hindi rin sobrang hirap ng subjects, kaya magsipag lang kayo. Nadagdagan na rin kayo ng geom, pero daanin niyo lang sa tiyaga. Nadagdagan na rin ang responsibilidad dahil kailangan mong salubungin ang 1st year sa isang kakaibang acquaintance party.

3rd year aka “Wiw” Year,

Ito yung taon na nabagsakan na kayo ng mahihirap na requirements. Ito rin yung taon na tumatayo na kayong ate at kuya ng lower batches. Gusto n’yong makilala ang batch as something different sa iba. Legit na rin yung batch name n’yo, nag-stick na siya. Pero ito na ‘yung taon na pinoproblema mo na yung college mo. O, kung may kolehiyo bang tatanggap sa’yo at mapapasahan mo.

4th year aka “Huhu” Year,


Hanep na yung requirements nito. Nung 1st sem sabi mo pa, “Sus kaya naman eh!” Hindi. Gagapangin mo lahat para lang makapag-submit ng mga reqs. May thesis na inabot ng ilang draft. Malas mo na lang kung maka isang ream ka ng papel sa kakaulit ng research paper. May talumpti, may suring nobela, suring-pelikula, suring-kuwento, suring-tula, etc…lahat ng puedeng suriin, susuriin nyo na. Da best kung sasabay pa ang make-up function na kahit tag-init at bakasyon na magbebenta ka pa. Sasabay pa rito ang pag-asikaso mo sa college mo. Mas mahirap pa kapag kulang ka ng requirements mo, susuwayin mo lahat maihabol lang. Pero ito yung taon na sobrang worth it kapag nalaman mong gagraduate ka na. Malungkot dahil iiwan mo na iyong eskuwelahan pero pramis, mas mangingibabaw ang saya.

You Might Also Like

0 comments: