DiMaAninag,
Isang tipikal na araw iyon sa UPIS. Nag-cut ako ng Bio class para kumain. Pinlano ko ang aking usual orders: isang order ng chicken curry, dalawang Yakult at isang ice candy bilang panghimagas. Nang makita kita, napatigil ako sa pagsasalita, pero sadyang malakas talaga ang tadhana at ako’y napa-“Hi!”
Inangat mo ang iyong palad, naghuhudyat na paglapitin natin ang ating mga kamay. Napatitig ako sa iyong malamlam na mata, nagpapahiwatig na hindi maganda ang takbo ng iyong araw. At maaaring paglapat ng ating mga kamay ang muling magpakislap ng iyong mga mata at diwa.
Nakalimutan ko nang umorder dahil dinaldal mo na naman ako nang husto. Sinimulan mo sa bakit ako nasa canteen, kamusta na ang tatay ko at ang walang kamatayang pangangamusta mo sa akin at sa ex ko. Hindi mo baa lam na rinding-rindi na ako sa topic na ‘yun, pero kunwaring ayos lang dahil alam kong malapit mo na kaming iwan.
Kahit minsan napagkakamalang kang nakawala pa sa zoo dahil malaki ang pagkakahawig mo sa isang black and white panda, ayos lang dahil muntikan mo nang mapatunayang may forever, na may handang magtagal at may handang tumanda para sa amin. Pinatunayan ng iyong mabagal na lakad ay lahat ng iyong napagdaanan, mula sa sakit sa ulong idinulot ng mga magulang naming naging estudyante mo, hanggang sa amin na nagdulot ng matinding sakit mo sa puso.
At bilang pagtatapos ng ating pag-uusap, muli mo akong kinamayan at napaisip akong ilang ganito pa ba ang aking maaabutan?
Literary: A Walk to Remember

0 comments: