DiMaAninag,

Feature: Sino ba ako?

3/06/2015 08:55:00 PM Media Center 0 Comments



Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero Oblation Scholar lang naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit eh, parang ‘di ko feel. Sa katunayan, di nga ako halos nag-review para sa UPCAT. Noong gabi bago ‘yung UPCAT exam, halos lahat ng mga kaklase ko, nag-aral. Pero ako, sige lang, laro lang ng League of Legends.

Naaalala ko pa noong tinanong ako ni Papa kung magrereview center pa ba ako. Sabi ko, “Pa, ‘wag na. Sayang yung 8k na pambayad.” Pero nagpumilit pa rin si Papa. Kaya napilitan na rin ako, kahit pa alam ko namang kayang-kaya kong pumasa ng UPCAT kahit pa walang review-review.

At ‘yun, totoo nga. Sayang lang ‘yung 8k kasi wala naman akong ginawa sa review center. Naglaro lang ako ng NBA 2k14.

Kani-kanina lang, hindi naman sa pagmamayabang pero pinarangalan ako sa napakaraming subject na hindi ko na matandaan sa sobrang dami. ‘Ba, kala mo artista ako sa dami ng kumukuha ng pictures ko eh. Tapos buti na lang medyo bago ‘tong suot kong sapatos kasi kung hindi, napudpod ‘to kaaakyat ko sa stage.

Bakit ba kasi sobrang talino ko ‘eh. Eh mas madalas pa ‘yatang mag-champion yung UPIS Basketball team kaysa sa maisipan kong magnotes eh. Tapos pag-uwi ko, mas pipiliin ko pang atupagin ‘yung pag-atake sa Clash of Clans kaysa sa talakayin yung non-existent kong notes. Kulang na nga lang, hambalusin ako ng timba nina Mama’t Papa kasi hindi ko na halos binubuksan yung notebook ko. But then again, bakit ko bubuksan, eh wala ngang laman?

Sa lahat ng nabanggit, isa lang naman ang makapagpapaliwanag kung bakit sa kabila ng mga katamaran na ginagawa ko sa buhay. Superior Skills. Masyado lang talaga akong magaling, ‘yun lang ‘yun. One, simple explanation.

Kaya kung magtataka ka kung paanong napeperfect ko yung Math exams kahit natutulog lang ako sa klase, o ‘di kaya ay natataasan ko pa yung perfect score sa mga Science quizzes, isa lang ang itatak mo sa utak mo.

Sino ba ako, ha? / ni Lvl 7 Archer

You Might Also Like

0 comments: