filipino,
Literary (Submission): Minsan
Minsan, hindi mo alam
Nasa harap mo na pala
Pero lumingon ka pa sa iba
Kasi may biglang tumawag sa pangalan mo
Minsan, hindi mo alam
Nasa tabi mo na pala
Pero umalis ka
Kasi ihing ihi ka na
Minsan, hindi mo lang alam
Kasunod mo lang pala
Pero lumiko ka
Kasi dumaan ka pa sa kaibigan mo
Minsan, hindi mo lang alam
Dumaan na pala
Pero di mo nakita
Kasi abala ka sa pagbabasa
Minsan, hindi mo alam
Siya na pala
Pero di mo pinansin
Kasi hindi mo pa siya kilala
Minsan, hindi mo talaga alam
Pero…
Kasi…
Baka wala ka lang talagang pakialam
0 comments: