DiMaAninag,

Literary (Submission): TripYon, I.S.

3/06/2015 09:32:00 PM Media Center 0 Comments



Para saan pa ang pinto,
Kung teachers lang naman ang nakakaraan?
Para saan pa ang hagdanan,
Kung di naman maakyatan?

Naglagay ng apat na gate,
Isa lang naman ang nagagamit
Naglagay ng ref sa foods lab,
Bawal naman maglagay ng pagkain

May gym nga tayo, wala namang bubong
Mga bench tinanggal, bawal daw umupo
May Braille sa pader, baka nga naman mabasa ng bulag
May kuryente naman! Nakikisabit nga lang.

Mga pader kasintibay ng styro ng Jollibee
Mga crack nagsusulputan sa gilid-gilid
Ilang buwan pa lang dosenang ilaw na'y napundi
Tiles sa homeroom bigla na lang umuusli.

Isang araw, malaking pirasong yero'y nalaglag
Bumabagyo ba noon? Maaraw pa nga
Buti naman walang estudyanteng napisa
Tatlong halaman lang ang namatay, kaawa-awa.

Balak mo nang lumabas ng gate?
Naku bata, once you're out it's too late.
Buti pa sa cinema, nagpapasok ulit,
Sa 'IS manigas ka, bawal magpumilit.

Ang 'IS parang isang minamahal na kaibigan
Ngunit minsan, talagang kinaiiritahan
Isang tanong ang ngayo'y umiikot sa aking isipan
UPIS, trip mo lang ba kaming parusahan?

You Might Also Like

0 comments: