cw spoof,
Magbalik tayo sa mga panahong pareho pang naniniwala sa ‘Forever’ si Matteo Monteverde at si Coco Pamintuan. Kahit pa walang itong kinalaman sa mga mangyayari sa edisyong ito.
Tinitignan ko yung napaka-astig kong pangalan sa Principal’s List nang biglang may sumigaw nang malakas sa likod.
“LUIS DE VERA! Anak ng tilapia ka! Sa tinagal-tagal ko nang kumukuha ng stub mo ni minsan hindi pa ako nakakakita ng line-of-7 pataas! Magseryoso ka naman kahit minsan lang!” sabi ng boses na kilalang-kilala ko, sa nanay ’yun ng bestfriend kong si Luis.
“Eh mommy, iyang grades ko na yan, it is the fruit of my hardwork and sacrifice. And clear thinking. And---”
“Manahimik ka nga! Eh anak ng tokwa mas masipag ka pang magluto ng troops mo kaysa sa magbuklat ng libro eh. ‘Manda ka sa’kin pag-uwi mo mamaya,” sabi ng nanay ni Luis sabay umuwi.
Pagkaalis ng nanay ni Luis, agad niya akong kinausap.
“Pre! Ang tataas ng grades ko ngayon, ‘di ka maniniwala!” nakangiting bungad niya sa akin, na para bang walang komosyon na nangyari kanina.
“Bakit pre, patingin nga ng stub mo,”
Nakita ko yung stub ni Luis. At hayun, nakumpirma ko ang mga pinagdadadaldal ng nanay niya kanina. Wala ni isang line-of-7. Pareho pang bagsak yung Math at Science.
“Anak ng tokwa pare, anong mataas dito? Batukan kita eh,” sabi ko sabay kamot ng ulo.
“Yun pre oh, kita mo yung grade ko sa Elective? Muntik lang mag-70 yan. Kumbaga, achievement unlocked.”
“Nasaan, pre?”
“Eto oh, buti nga nagkagrade pa ako diyan eh,” sabay turo niya dun sa grade niya sa Creative Cookery.
Lumitaw yung tumataginting niyang grade na 69.
Hayun. Isang tipikal na stub-giving day sa araw ng aking kaibigang si Luis de Vera.
KINABUKASAN, medyo napaaga ang dating ko para sa una naming subject: Math. Excited akong pumasok kasi ilalabas yung result ng Long Quiz sa Math na kinuha namin nung nakaraan. Alam mo naman, may pustahan kasi kami ni Coco My Loves na kung sino yung mas mataas, ah basta yun.
Makalipas ang ilang minuto, dumating si Ma’am.
“Good morning, class.”
Sabay-sabay kaming bumati ng Magandang Umaga sabay umupo. Makalipas ang ilang minuto ay may mga malalakas na yabag ng isang tumatakbo ang narinig sa labas. Pagkatapos ay may dumungaw na mukha sa pinto na halatang-halata na umaarteng hinahapo.
Sino pa ba, edi si Luis.
“Ey, Ma’am! Morning! Ganda ng umaga, ‘diba? Kasingganda ninyo!” bungad ni Luis, sabay kindat.
“Ano ka ba, sikreto lang nga natin ’yun eh. Maupo ka na nga,” sagot ni Ma’am, sabay arteng kinikilig.
Inilabas ni Ma’am yung isang tumpok ng mga papel kung saan nandoon yung aming mga test paper. Hinimas-himas niya yung pinakatuktok sabay nagsalita.
“Okay, di ko na patatagalin pa kasi pareho lang naman lagi yung sinasabi ko. Si Matteo Monteverde yung highest, 45/45.”
Nagpalakpakan yung buong klase. Biglang tumayo si Luis tapos humiyaw na parang wala nang bukas.
“Tapos eto na yung ibang papel. Jordan, Michael. Jackson, Michael. (Walang apelyido), Gloc 9. Hmmm... Ulit? Monteverde, Matteo. 41/45. ”
Nagtawanan yung buong klase, pero dahil napaka-slow ni Ma’am at siya na yata yung pinakaslow sa lahat ng slow, hayun at nakatanga pa rin siya sa harap at inaalam kung anong nangyari at nagkaroon ng dalawang Matteo Monteverde sa klase niya.
Patuloy na nagtatawanan yung buong klase nang biglang narinig kong bumulong si Luis sa gilid.
“Ay anak ng teteng. False move! Bakit ko kinopya pati pangalan!?”
Hayun. ‘Ika nga nila, GGWP. Good game, well played.
LUNES noon, walang pasok. Nakatambay kami ni Luis sa may mga benches sa Sunken Garden. Nananahimik ako habang kinakain yung binili kong Pancit Canton nang biglang magsalita si Luis.
“Pre, dami talagang chicks dito sa Acad Oval no, mga nagja-jogging,” bungad ni Luis.
“Hay nako, tigil-tigilan mo ako diyan sa mga pachicks-chicks mo ah. Wala akong interes diyan,” sagot ko, sabay kain ng Canton.
“Suuuuus, pre naman. Ay heto, heto. Yung lumiliko sa may kanto. Tumatakbo, naka-pink tapos naka fit na leggings,” turo sa akin ni Luis, “ano pre, on a scale of 1 to 10, anong say mo?”
“No comment.”
“Oo nga pala, may Coco My Loves ka na. Yan ang hirap kapag nakatali eh. Eh eto pare, tong naka-dress na lumalakad---”
“Tigilan mo nga ako, ang kulit talaga,” putol ko sa sinasabi ni Luis.
“Sige, tignan mo ako ah, makukuha ko Cellphone Number niya.”
“Sige, pustahan. Singkwenta pesos. Dali, money down,”
“Oh, ayan. Hintayin mo ako dito ah. Pag nagawa ko to, ‘Who you?’ ka sa’kin.”
Pinagmasdan ko si Luis habang ginagawa niya yung kung anumang kalokohang pumasok sa kokote niya. Aba, at mukhang napapangiti pa yung loko. Napapakamot pa ng ulo, baka kinakausap ng English. Baka ma-nosebleed to mamaya.
Matapos ang ilang minuto, bumalik siya sa akin.
“’Pre! Success! Nakuha ko yung number niya! Iba talaga pag natural yung pagkaguwapo,” sabi ni Luis, sabay hagod ng sobrang haba niyang buhok na lumalabag na sa School Rules and Regulations.
“Hindi ko muna ibibigay yung pusta ko. Patunayan mo muna sa akin na nakatext mo ah,” sabi ko sa kaniya.
“Sige pre, itetext kita mamayang gabi,” sabi niya sa akin, sabay umuwi.
KINAGABIHAN, may nagtext sa akin.
*1 message from Luis de Vera*
Pre, kanina ko pa tinetext. Bakit ganun, di nagrereply.
Pre, tulungan mo ako. Ini-english ako nito kanina eh. Baka ‘di na ako makapalag ngayon.
Eto pre, 0935672678416.
Bakit pre?
Ay anak ng tupa.
Thirteen digits, pre.
Magkasama kaming nag-lunch ni Luis noong nakaraang araw. Tahimik naming nginangata yung lunch namin nang biglang may sumigaw sa labas.
“Nice one pre! HIGH SCHOOL ROCKS!”
Nung narinig namin yung mga katagang yun, napatigil kami ni Luis sa pagkain. Nagkatinginan kami, nag-isip, sabay tumawa nang sobrang lakas.
“HAHAHAHA Pre ‘naalala mo yung kalokohan natin nung first quarter diba? Alam kong pareho tayo ng iniisip, tama ako, ‘diba?” tanong ni Luis sa akin.
“Pre naman, ayoko na ngang alalahanin yun eh. Mamatay-matay ako nun nung pinagalitan ako ng parents ko,” sagot ko, sabay facepalm.
“Ano nga bang nangyari nun?”
***FLASHBAAACK***
Biyernes noon, panahon ng pagpapakuha ng ID. Naunang umalis yung mga sasabay sa jeep kaya naiwan kaming nakatunganga ni Luis. Buti na lang, dahil mabilis akong mag-isip, nakahanap agad ako ng solusyon.
“Pre, sakay na lang tayo sa kotse ko. Magbabayad pa tayo sa cashier’s office diba?”
“Oh sige, tara na.”
Sumakay kami sa Chevrolet Camaro ko at pumuntang cashier’s office. Habang nakasakay sa loob, biglang nagsalita si Luis.
“Pre! Selfie! Tingin ka dito dali!” sigaw niya, habang tumatakbo yung kotse.
“Ayaan. Rak en rol woohoo!” sabi ko, sabay pose ng naka-rak en rol.
Makalipas ang ilang minuto, biglang tumunog yung cellphone ko.
*Calling: Ma’am Jammy*
Dali-dali kong sinagot.
"Hello, ma’am? Papunta na po kami, nakasakay na po,” sagot ko kay ma’am.
“Aba, nasaan na kayo, kayo na lang yung hinihintay, saan ba kayo nakasakay?” tanong ni Ma’am.
Biglang sumigaw si Luis at inagaw sa akin yung telepono.
“AKINAAANG TELEPONOOOOO!” sabi niya, sabay nagsalita, “EY MAAAAM! NAKASAKAY KAMI SA KOTSE NI MATTEO! SARAP NG BUHAY MA’AM! HIGHSCHOOL ROCKS!”
***Flashback end***
“E di masaya ka na niyan, ha? Muntik lang akong magka-disciplinary case dahil sa’yo,” angal ko kay Luis, na enjoy na enjoy yung pagsipsip sa Ice Candy na nabili niya.
“Onaman pre, alam mo naman ako, bestfriend ko na ‘yang mga Guidance Counselor na yan. Ako pa,” bida niya, sabay thumbs-up.
“Pasalamat ka, hindi pa kita iniisnab ngayon. Kung sinaltik lang ako noon, hindi na kita kikilalaning kaibigan.”
“Basta pare, isa lang masasabi ko ngayon.”
“Ano naman ‘yun?”
“High school rocks.”
“Walang hiya ka talaga kahit kailan.”
*ITUTULOY KAPAG NATRIPAN.*
Literary: E is not equal to MC squared

-----

Weh? Sayang naman. Bihira ka na ngang magkalovelife mauudlot pa.
Pre, tulungan mo ako. Ini-english ako nito kanina eh. Baka ‘di na ako makapalag ngayon.
Ano bang number, ibigay mo nga sa akin.
Eto pre, 0935672678416.
AY NAKO PRE. Alam ko na kung bakit hindi nagrereply.
Bakit pre?
Bilangin mo kung ilang digits yung CP Number na binigay sa ‘yo.
Ay anak ng tupa.
Bakit, ilan nabilang mo?

0 comments: