aina ramolete,
Sinalubong ang mga scouts ng isang Seremonya ng Pagpaparangal sa mga Bisita , pagpapakitang gilas ng Jungle Fighters Marching Band at isang rifle and defense demonstration.
Sa loob ng tatlong araw, isinagawa ng mga cadets ang kanilang mga inihandang gawain para sa mga scouts tulad ng Patrol Team Building, Batch Team Building, Overall Sensitivity Test (OST), Bravery Test, at ang Mr. and Ms. GSP.
Mayroon ding mga inihandang aktibidad ang kasundaluhan para sa mga scouts tulad ng Rope Course, Obstacle Course, Rappelling, at Zipline.
Natapos ang camp sa isang awarding ceremony. Nakuha ng Batch 2018 (2x9) ang ilan sa mga individual awards katulad ng “Sensei Award” ni Urielle Lilang bilang Best Patrol Leader dahil sa determinasyong ipinamalas niya sa mga patrol activities. Kasama ring nakuha ng 2x9 ang Best Batch Award dahil sa matataas na puntos nila sa Batch Team Building Activities. At nakamit naman ng 2020 ang Most Improved Batch award dahil naipakita nila ang kanilang kakayanang makipagsabayan sa mga gawain sa iba pang batch kumpara sa ipinamalas nila noong nakaraang Camporee. / sa ulat nina Camille Lita, Nicole Rabang, at Aina Ramolete
UPIS GSP, matagumpay na nagdaos ng Annual Camp
Matagumpay na naisagawa ng UPIS Girl Scouts of the Philippines ang kanilang Annual Camp noong Pebrero 19-22, 2015 sa Camp Capinpin, Tanay Rizal.Sinalubong ang mga scouts ng isang Seremonya ng Pagpaparangal sa mga Bisita , pagpapakitang gilas ng Jungle Fighters Marching Band at isang rifle and defense demonstration.

0 comments: