filipino,

Literary (Submission): Indak

10/31/2019 09:20:00 PM Media Center 0 Comments





Nauutal, nanginginig, kumakabog ang dibdib
Umiikot ang paningin, 'di makarinig
Isang dangkal ang layo ng mga katawan
Mga paa'y gumagalaw kasabay ng musika
Mahigpit ang yakap sa 'yong leeg
Baiwang ay gumegewang sa pagitan ng 'yong mga braso

Sabay sa pagdilim ng paligid ang pagliwanag ng mundo
Sumasabay ang indak sa ritmo ng mga puso
Mahihigpit na mga hawak, malalagkit na mga titig
Dama ko ang pagmamahal sa 'di nakasasakal na kapit

Ngunit patuloy na lumalalim ang gabi
Unti-unting humihina ang tugtog
Lumuluwag ang ating mga yakap
Indak na pinagsaluha'y tuluyang naglalaho
Nawawalan ng alab ang mga titig mo
Giniginaw sa pagkawala mula sa mga bisig mo
Sa isang iglap, ika'y sumabay sa ibang ritmo
Ibang saliw ng musika na mas nakapagpapainog ng 'yong mundo

You Might Also Like

0 comments: