filipino,
Sa aming bakuran,
May hiwagang nagtatago sa kadiliman
Sa aming bakuran,
Nakatira ang aking munting kaibigan
Tuwing gabi, ako'y nangangamba
Kapag nagwawalis si Inay sa bakuran
Ngunit buti na lamang, bukod sa kadiliman
Kasama ko rin ang aking munting kaibigan
Huwag kang matakot,
Mabait ang aking munting kaibigan
Palagi niya akong binibigyan ng mga regalo
Basta't palagi ko siyang sasamahan
Ngunit isang bagay lamang ang nakapagtataka
Mistulang ako lamang ang nakakakita sa kanya
At kapag ako’y nasa bakuran,
Doon ko lamang siya nakikita
Sabi nina Nanay at Tatay,
Mag-iingat daw ako tuwing ako’y nasa bakuran
At huwag na huwag tatapak
Sa isang bagay na tinatawag nilang "punso"
Isang gabi habang nagdidilig ng mga halaman,
Napagdesisyunan ko itong hanapin
Kapag ito raw ay iyong tinapakan
Tiyak na may masama raw na mangyayari!
Walang maaninag kundi ang liwanag mula sa buwan
Ako'y nagpatuloy lamang sa paglalakad
Hanggang sa mayroon akong naramdaman sa aking paanan
Nakatapak pala ako sa isang maumbok na bagay
Ang bakura'y napuno ng katahimikan
At nakarinig ako ng mga yabag sa aking likuran
At kasunod nito, ay ang isang pamilyar na boses
"Psst! Halika rito, kaibigan!"
Paglingon ko ay agad ko itong nakita
Ang aking munting kaibigan!
Ngunit.. parang...
Wala na ang ngiti sa kanyang mga labi
Ang mga mata niya'y nanlilisik
Tila ba siya’y galit na galit
Lumapit siya sa aking harapan,
"Masama ang sumira ng tahanan, kaibigan"
Sa unang pagkakataon,
Nakaramdam ako ng takot
Tila tumaas ang aking mga balahibo
Siya pa rin kaya ang kaibigan ko?
Literary: Ang Aking Munting Kaibigan

0 comments: