Kyla Francia,

UPIS, naghahanda sa sakuna ng lindol

10/19/2019 08:00:00 PM Media Center 0 Comments



HANDA. Pagtitipon ng mga estudyante mula K-11 sa Quirino Street Corner A Ma. Regidor Street, UP Campus. Photo Credit: Jelena Evangelista

Isang earthquake drill ang naganap noong Oktubre 8, Martes, sa University of the Philippines Integrated School bilang paghahanda sa posibilidad na pagtama ng tinatawag na “The Big One.”

Tumunog ang emergency alarm nang alas dose ng tanghali upang maghudyat ng pagsimula ng mga kinakailangang kilos para sa paparating na sakuna. Isinagawa ng mga estudyante ang "Duck, cover, and hold." Sa kanilang pag-evacuate, nakapatong sa kanilang mga ulo ang mga nakahandang go bags sa bawat silid ng paaralan upang magamit bilang proteksyon.

Sinukat ang oras ng pagpunta ng mga estudyante sa pagitan ng gusali ng K-2 at 3-6 na nagsisilbing evacuation area. Tinatayang dalawang minuto para sa K-2, apat na minuto sa 3-6, at limang minuto para sa 7-12 ang itinagal ng kani-kanilang pag-evacuate; pasok sa inaasahang limang minuto na paglikas. //nina Kyla Francia at Reneil Grimaldo

You Might Also Like

0 comments: