filipino,
Gabi-gabi na lang,
naninigas ang aking katawan
habang lumuluha ang aking mga mata.
Dumaraan ang haplos sa aking balat,
mula sa aking mga pisngi at labi
papunta sa leeg,
sa dibdib at mga braso,
at sa aking tiyan.
Pabababa nang pababa.
Dahan-dahan.
Paulit-ulit.
Matagal.
Malamig ang haplos
At nakapangingilabot.
Maging sa araw-araw,
hindi ako ligtas.
Nagbabalatkayo siya
at kinukulong niya ako
sa matatagal
at mapagnasa niyang mga titig.
Nilalamon ng
kanyang balintataw
ang bawat pulgada
ng aking balat
O, aking ina,
bakit mo siya kinakampihan?
Bakit ko kailangang
magtuyo ng luha,
magpigil ng hibik,
magkunwaring walang nangyayari,
at maniwalang bangungot lang ang lahat?
Bakit ako
ang kailangang magsantabi ng damdamin?
Bakit ayaw mong maniwala
na isa siyang demonyo?
Baka raw kung saan-saan ako
naglalakwatsa.
Baka raw hindi na ako
nagsisimba.
Baka raw masyado akong magaslaw
at di maayos kung manamit.
Baka raw ang mga bagay na ito
ang naghalina
sa gutom na manananggal
upang ako’y hipuin
ng mahabang dila nito.
Hinihiling ko ngayon
sa manananggal
na ako’y dakpin na lamang,
kainin,
at patayin
nang hindi ko na maranasan
ang araw-araw
at gabi-gabi.
Literary: Dila ng Manananggal
Gabi-gabi na lang,
naninigas ang aking katawan
habang lumuluha ang aking mga mata.
Dumaraan ang haplos sa aking balat,
mula sa aking mga pisngi at labi
papunta sa leeg,
sa dibdib at mga braso,
at sa aking tiyan.
Pabababa nang pababa.
Dahan-dahan.
Paulit-ulit.
Matagal.
Malamig ang haplos
At nakapangingilabot.
Maging sa araw-araw,
hindi ako ligtas.
Nagbabalatkayo siya
at kinukulong niya ako
sa matatagal
at mapagnasa niyang mga titig.
Nilalamon ng
kanyang balintataw
ang bawat pulgada
ng aking balat
O, aking ina,
bakit mo siya kinakampihan?
Bakit ko kailangang
magtuyo ng luha,
magpigil ng hibik,
magkunwaring walang nangyayari,
at maniwalang bangungot lang ang lahat?
Bakit ako
ang kailangang magsantabi ng damdamin?
Bakit ayaw mong maniwala
na isa siyang demonyo?
Baka raw kung saan-saan ako
naglalakwatsa.
Baka raw hindi na ako
nagsisimba.
Baka raw masyado akong magaslaw
at di maayos kung manamit.
Baka raw ang mga bagay na ito
ang naghalina
sa gutom na manananggal
upang ako’y hipuin
ng mahabang dila nito.
Hinihiling ko ngayon
sa manananggal
na ako’y dakpin na lamang,
kainin,
at patayin
nang hindi ko na maranasan
ang araw-araw
at gabi-gabi.
0 comments: