filipino,

Literary: Asawa ko

10/21/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments





Asawa ko
Kailan mo ba ko mapapansin?
Nandito ako,
Ikaw ba sa aki’y may pagtingin?

Sa tuwing ika’y nakikita,
Ako’y nahuhumaling
Sa’yong hubog at ganda,
Lumalakas ang bugso ng aking damdamin.

Ngiti mong kay tamis,
Tumunaw sa puso kong naghihinagpis
Sa tuwing ika’y mag-isa,
Ayaw ko nang umalis.

Dug-dug! Dug-dug!
Tibok ng puso ko ba’y rinig mo?
Gabi-gabi ay ‘di kita malimot.
Ang dami-dami kong gustong gawin sa’yo.

Pinipilit kong ipagkrus ang ating landas,
upang magkaroon tayo ng pag-ibig na wagas
Ngunit sumusubsob ka,
May nakikilalang iba.

Pero ako’y ‘di nawalan ng pag-asa,
Hindi ako papayag na hindi maging tayo.
Paraan, ako’y gagawa
Susundan kita.

Asawa ko
Kailan ka mapapasaakin?
Nandito ako,
Sa likod ng iyong paningin

Tumalikod ka,
Ika’y sa akin mahumaling
Sa tagal kong naghihintay lamang
Ika’y dapat nang mapasaakin.

Buhok mong kay kapal,
Nais kong haplusin at samyuin
At kung tayo na lang dalawa,
Ika’y matagal kong hahagkan at yayakapin.

Tok! Tok!Tok! Tok!
Buksan mo ang iyong pinto!
Ipararamdam ko sa’yo ang aking pag-irog!
Wala nang tutulong sa’yo!

Nanay, Tatay, minartilyong malakas,
Ate, kuya, binalatang parang patatas,
Mga dating kasintahan mo? Wala na sila.
Pag ‘di mo ‘to binuksan, ika’y susunod na.

You Might Also Like

0 comments: