alyssa avila,

Misa at Pagbabasbas, idinaos sa UPIS GYM

10/19/2019 08:15:00 PM Media Center 0 Comments



Ang Pagtatapos ng Misa. Rev.Fr. Augustus, Rev.Fr. Simon, Rev. Fr. Serge Maniba naghahandang umpisahan ang pagbabasbas ng paaralan. Photo Credit: Joshua Sales

Isang misa at pagbabasbas ang idinaos noong Oktubre 15, 2019 sa University of the Philippines Integrated School para sa mga namayapang estudyante.

Pinangunahan ni Rev. Father Serge Maniba ang misa at ang pagbabasbas ng eskwelahan. Dinaluhan ang misa ng mga estudyante, faculty at staff, pati mga magulang na bumubuo sa Parents and Teachers Association (PTA).

Kasama sa misa ang iba pang mga pari na galing sa Parish of the Holy Sacrifice na sina Reverend Father Simon at Reverend Father Augustus na tumulong sa pagbabasbas ng mga gusali ng UPIS K-2, 3-6, at 7-12.

Inorganisa ng PTA, kasama ang prinsipal na si Dr. Calingasan at katuwang na prinsipal na si Prop. Dimabuyu ang naturang misa.//nina Alyssa Avila at Joshua Sales

You Might Also Like

0 comments: