filipino,

Literary (Submission): Pagkababae

12/11/2020 07:08:00 PM Media Center 0 Comments




Hindi damit,
balat,
katawan,
trabaho,
anak,
asawa
ang magtatakda
ng aking bilang
sa aking lipunan

Ako ang may pasya
kung gaano kaiksi, kahaba, kanipis, kakapal
ang aking isusuot

Ako ang magbibigay ng pahintulot
kung kailan mo ako pwede
hawakan, tingnan, halikan

Ako ang magsasabi
kung gusto kong mag-alaga, maglinis ng bahay
o magtrabaho, kumayod sa labas nito

Ako ang may desisyon,
maaaring masaya mamuhay mag-isa
o gustong magkaanak at asawa

Huwag ninyo akong hadlangan
sa aking
pagpili ng damit,
pagpapakita ng balat,
o pagtago ng katawan,
kagustuhang magtrabaho,
o manatili sa aking tahanan,
pagbuo o pagtanggi sa
pagkakaroon ng anak at
asawa.

Huwag ninyo akong iposas
sa inyong sariling husga, tingin, at takda.
Huwag akong ikulong
sa kung ano ang tradisyon.

Sapagkat ako’y malaya.

Malayang manamit ng kahit anong gusto, mapa-pantalon man, shorts, o bestida.
Malayang tumanggi sa hawak, tingin, halik kahit mula pa sa kasintahan at asawa.
Malayang pumili ng aking mga pangarap at trabaho, sa bahay man o opisina.
Malayang maging masaya, may pamilya man o mag-isa.

Babae ako.

Malakas.
Matatag.
Matalino.
Malaya.

In favor of the International Day for Elimination of Violence against Women, last November 25, 2020

You Might Also Like

0 comments: