Autosave,
Tagsibol
Magandang pagmasdan ang pagsibol ng mga dahon
Masayang makita ang pamumukadkad ng mga bulaklak
Nakatutuwang pakinggan ang huni ng mga ibon
At ang preskong simoy ng hangi’y nakagagalak
Ngunit walang nakapagbibigay ng higit na ligaya
Kundi ang iyong nakapapanatag na presensiya
Tag-ulan
Masarap sa tainga ang tunog ng pagpatak
Nagbibigay pahinga't hinahon ang ulan
Malamig ang hagod ng hangin sa balat
Mga patak sa daho’y bumubuo ng magandang larawan
Ngunit wala pa ring mas nakabibighani pa
Kaysa sa pag-ibig na natatanaw sa iyong mga mata
Tag-araw
Nakapapaso ang init ng mga sinag
Nakasasakal ang maalinsangang hangin
Nakasisilaw ang labis na liwanag
At mas mahirap tuparin ang mga tungkulin
Ngunit nanunumbalik ang aking sigla
Tuwing ikaw ay nakakasama
Taglagas
Masarap ang hagod ng malamig na hangin
Nakakapagpakalma ang mga dahong lumulutang
Mas lumilitaw sa gabi ang mga bituin
At nagbabago ang kulay ng mga halaman
Ngunit hindi lamang mga halaman ang nag-iiba
Nalalagas din pala ang pagsinta
Taglamig
Nanunuot ang ihip ng malamig na hangin
Mga daho’y pumanaw at ‘di na mahagilap
Pagbangon sa umaga’y mahirap nang gawin
Kaginhawaan at init ay hinahanap
Ngunit kahit na hinihiling ko man
Init ng yakap mo’y di na mararanasan
Mga Repleksyon
Nagpapalit-palit ang simoy ng hangin
At pabago-bago ang kalagayan ng mga dahon
Maaari ring mag-iba ang mga damdamin
Ngunit naiiba ito sa pagbabago ng panahon
Hindi ito kusang napapalitan sa paglipas ng oras
At hindi ito naikukulong ng mga siklong tila rehas
Marahil ito’y nagbabago dahil sa mga sitwasyon
O kaya nama’y dahil sa iba’t ibang desisyon
Marahil ito’y nagbabago dahil sa mga hidwaan
O kaya’y walang nangyari at ito’y kumupas lamang
Maaaring magbago rin ang damdamin kong di na tinutugon
Maaari nga, ngunit parang hindi na muna sa ngayon
Literary (Submission): Mga Panahon/Mga Repleksyon

0 comments: