filipino,

Literary (Submission): Pagdadalamhati

12/11/2020 07:24:00 PM Media Center 1 Comments




Sa gabing malamig ay nananalangin
Ipagpapasa-Diyos na lang ang bukas
Sana’y mabawi oras na hiniram natin

Sa mundong ito, ako’y isang alipin
Ninanais na makawala sa posas
Sa gabing malamig ay nananalangin

Mga panahong kaytamis, nais gunitain
Laging hinahanap ang amoy mong mala-rosas
Sana’y mabawi oras na hiniram natin

Hindi maiwasang hilingin
Masilayan muli, iyong ngiting sanhi ng aking lakas
Sa gabing malamig ay nananalangin

Sa mga panahong wala ka sa akin
Pinagmamasdan ang bigay mong alahas
Sana’y mabawi oras na hiniram natin

Sa huli, ako’y iniwan mo sa hangin
Batid na magwawakas, sa gabing malamig, nananalangin
Sana’y mabawi oras na hiniram natin

You Might Also Like

1 comment:

  1. Villanelle po yata dapat ito. Sa huling saknong, dapat magkahiwalay ang ikalawang taludtod.

    "Batid na magwawakas,
    sa gabing malamig ay nananalangin"

    ReplyDelete