filipino,

Literary (Submission): Paumanhin

12/11/2020 08:00:00 PM Media Center 0 Comments




Binato ko sa’yo ang kidlat bilang kapalit
Ng liwanag na ipinahiram mo sa ’king mga tala
Nagtunggali ang aking galit sa’yong paghikbi
Hanggang magkalayo tayo sa isa’t isa

Kahit wala na ako sa iyong tabi
Titiisin ang kapalarang sinapit
Sapagkat ang makita kang nakangiti
Ay parang halik na rin sa ’kin ng langit

Kailangan lang ng kaunting panahon
Upang hanapin ang landas kong naligaw
Tuturuan ang sariling huminahon
At sasamahan kang muli sa gabing maginaw

Pasensya na’t ’di pa kayang magpaumanhin
Hayaan muna ang oras na humilom sa atin

You Might Also Like

0 comments: