filipino,

Literary (Submission): Mamang Tsuper Hero

12/11/2020 07:44:00 PM Media Center 0 Comments




Kada busina mga pasahero ay hinahalina
Bawat ikot ng gulong;
Destinasyon ng publiko
Kanilang tinutungo.

Balikan natin mga ganap sa dyip ni Mamang tSUPER:
Ang kuwentuhan maging ang halakhakan,
minsan pagkakatulog dahil sa puyat o pagod,
Kasama na ang pagbaba na nalimot ang bayad.

Si Mamang tSUPER ang naghatid
Sa pagpasok at pag-uwi ng marami;
Marami sa ating narating sa kasalukuyan
‘Di ba dahil din sa pawis nina Mamang tSUPER.

‘Di maikakaila, sina Mamang tSUPER ay biktima rin ng pandemya
Dati sila ang pinapara ngayon sa atin sila'y kumakaway;
Sa publiko at pamahalaan na kanilang pinaglilingkuran
Kaunting limos kanilang asam.

Mga bida natin sa kalsada
Ngayon sa kalsada ay nagugutom
Sampu ng kanilang pamilya, kumakalam ang sikmura
Kaya naman nawa mabalik na sila sa kalsada.

Nais nang makatawid nina Mamang tSUPER
Hindi lang sa kalsada kundi sa pandemya;
Kahit pawis nila ang sagot sa krisis
Krisis na sa kanila ay may higit na malaking epekto.

Palitan ng panawagan ang mga kuwentuhan,
Palitan ng pagkilos ang bawat pag-idlip,
Palitan ng pagdamay ang bawat pagsakay,
Nang si Mamang tSUPER naman ang ating maihatid sa kanilang destinasyon.

You Might Also Like

0 comments: