boomerang,

Literary (Submission): Pangako

12/11/2020 08:08:00 PM Media Center 0 Comments




Lumipas ang limang taon,
Maraming alaala ang nailagay sa dating walang lamang kahon
Mga magagandang alaala
At mga masasamang nagsisilbing paalala

Sa paglaon, sapat na siguro ang mga pinagdaanan
Upang maging maingat sa mga taong pagkakatiwalaan
Tandaang mayroong hindi tumutupad sa pangako
Ngunit hindi rin naman lahat ay napapako

Ang mga naging rason ng pag-iyak
Sa susunod na baha’y gawing kayak
Dapat matutunang sumagwan sa baha
Dahil hindi ka uusad kung ika’y nakatunganga

Ang mga nangyari kahapon
Iyong balikan at at huwag itapon
Sakaling muling masaktan sa darating na panahon
Gawin itong rason para sa susunod na araw ay bumangon

Ang tulang ito ay karugtong ng tulang isinulat noong 2015 (http://upismc.blogspot.com/2015/08/literary-submission-pangako.html).

You Might Also Like

0 comments: