GT,

Literary (Submission): Ikaw ang Unang Nag-chat

10/17/2016 07:05:00 PM Media Center 0 Comments






Ginagawa ko ‘yung IPSA ko noon, Agosto 12, 2015, hell week.
6:34 ng gabi, hindi ko makakalimutan ang oras na ito.
Tinigil ko ang lahat ng ginagawa nang marinig ang tunog ng Facebook.
Agad kong nakita ang mukha mo na may kasamang:
“Sa Thursday na ba ang deadline ng project sa bio?”

Tuwang-tuwa ako! Ikaw ang unang nag-chat!
Alam kong napakababaw, pero ‘pag ikaw,
‘Pag ikaw ang nagsimula ng usapan, parang ibinigay na ni Lord ang mundo sa akin.
Parang baliw ako noon, bumubungisngis nang mag-isa.

Hindi na ako nagsayang ng oras.
Agad-agad kitang sinagot:
“I love you!”
Hindi! Mali! Dapat dahan-dahanin ko lang.
Na-excite ako at hindi na nakapag-isip.
Pinalitan ko ang nakasulat:
“Bakit? Nagawa mo na ba?”
Hala, kinikilig ako!
Naalala ko tuloy yung mga panahon na ako ang nangunguna.
Yung pinag-iisipan ko pa kung paano ako magsisimula ng convo.

Minsan nga, sesendan kita ng “HAHAHAHA nakakatawa ‘yun”
Tapos dali-daling:
“Ay sorry wrong send” para lang magreply ka ng:
“Ano yun? Gusto ko ring tumawa, kwentuhan mo nga ako.”

Binalik ako sa realidad ng tunog ng Facebook
Ang simbolo ng matamis mong pagsagot.
“Hindi pa nga eh, wala pa kasi akong partner hahaha!”
Tumigil sandali ang puso ko. Partner ba sabi mo?
As in boyfriend? Bes? Bebs? Baby ko? Honey? Darling?
“Ikaw ba, may partner ka na sa project?”
Ah. Partner lang pala para sa project.

“Wala rin akong partner eh hahaha!”
“Ay ganun ba? Hahahaha!”
“Oo hahahaha!”
“Hahaha!”
Ito na ang pagkakataon ko, wala nang talikuran!
“G-g-gusto mo bang, t-t-tayo na lang?”

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaisip, tama ba ang ginawa ko?
Okay lang ba ang sinabi ko o masyado ba akong nagmadali?
OMG! Paano kung ayaw niya? Paano kung nandiri siya sa akin?
Wala na, tapos na. Hindi na niya ako kakausapin.
Bakit ba ang tagal niyang mag-reply? Pinagtatawanan ba niya ako?

Halos namatay na ako sa kaba nang sumagot siya:
“Kung gusto mo rin hahaha!”
Parang nawala ang bigat ng dibdib ko.
Nakahinga na ako nang mabuti at abot-tainga ang aking ngiti.
Sumagot ako nang pa-cool pero sa totoo, nanginginig ang kamay ko sa saya.

“Sige, ikaw na lang partner ko sa buhay.”
Hala! Nadulas ako!
“Huh?” ani niya.
“Hindi ba iyon ang tema ng project? Life?”
“Ay oo nga hahahahaa!”
Lusot! Naligtas na naman ako ng pagkaswabe ko.
“So ano, tayo na?”
“Oo.”

Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito.
Noong ikaw ang siyang unang nag-chat.

You Might Also Like

0 comments: