athousandMCwords,

Literary: Pangako

10/28/2016 08:27:00 PM Media Center 0 Comments






Alam kong sa lahat ng salitang aking binitiwan,
Ni isa ay wala akong napanindigan.
Ngunit sinisiguro ko na sa pagkakataong ito
Tutuparin ko na ang aking ipinangako

Kung ang nais mo’y hindi na ako marinig,
Hindi na kita muling kakausapin.
Pipigilan ang mga labing nais sabihing:
Hanggang ngayon ay kailangan ka pa rin.

Kung ang nais mo’y ‘di na magkita,
Hindi na kita muling susulyapan
Lalayo na lamang sa iyong paglapit
Kahit gusto ko pa sanang kumapit

Kung ang nais mo’y hindi na ako maramdaman,
Hindi na kita guguluhin pa.
Mga alaala’y atin na lamang kalimutan
Silang bumubuhay sa puso kong umaasa

Alam kong sa lahat ng salitang aking binitiwan,
Ni isa ay wala akong napanindigan.
Ngunit ngayon ay ipinapangako kong
Ang nais mo ay tutuparin ko—

Labag man ito
          sa nais ng puso ko,
Tuluyan ng lilisan
          sa buhay mo.

You Might Also Like

0 comments: