feature,
Nalalapit na ang Araw ng mga Patay, at marami na namang kuwento tungkol sa mga kaluluwa’t espiritu. Maraming naniniwala na dito lumalabas ang iba’t ibang kababalaghang nagtatago sa dilim, mga espiritung hanggang ngayon ay ‘di pa rin nananahimik. Pero minsan, hindi mo rin talaga sigurado kung totoo ba o kalokohan lang ang mga kuwento tungkol sa multo lalo na dito sa UPIS.
Pero ano namang masama kung malaman mo ‘di ba? Ang tanong, kaya mo bang malaman ang kababalaghang nagtatago sa bawat palapag ng ating gusali?
Ayon sa staff ng paaralan, sa fourth floor kadalasang maraming nagpaparamdam o nagpapakita. Isa na sa mga saksi nito ay si Kuya Harold, isang janitor na doon nakapuwesto.
”Habang naglilinis ako ng CR, meron akong naririnig na kakaibang mga yapak. Sinilip ko, pero wala namang naglalakad. Minsan, may nakita pa nga akong batang ligaw na tumatakbo kaya ayun hinabol ko, pero bigla na lang siyang nawala. Paminsan-minsan nga may mga biglang dumaraan na lang o kaya nagpaparamdam habang naglilinis ako.”
Hindi lamang sa fourth floor may mga kakaibang nagpaparamdam, kundi pati na rin sa third floor ng Academic Building. Maraming kwento ang naririnig patungkol dito at marami na ring iba’t ibang kakaibang ganap sa lugar.
Si Kuya Ryan Dy, na nag-iikot tuwing alas-sais ng gabi, ay isa na sa mga saksi nito. Habang naglalakad siya at nagmamasid-masid, bigla na lang daw siyang nakarinig ng isang malakas na kalabog.
Maliban sa Academic Building, mayroon ding mga nagpaparamdam sa P.A Pavillion. Sabi pa nga ni Kuya Jeffrey Bogoy, isang guwardiyang doon nagbabantay:
“Mga alas-dos o alas-tres na ‘yun ng madaling araw. Naglalakad ako sa P.A. Pavilion (Narra Wing 2) nang bigla na lang nag-iba ‘yung pakiramdam ko, biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. Noong nag-CR ako sa Girls’ CR, bigla na lang nagpapatay-sindi ang mga ilaw. Nakakatakot kahit papaano.”
Kilala ang UPIS bilang isang nasunog na dormitoryo para sa mga lalaking estudyante sa unibersidad noon. Maaring ito ang nakaapekto sa paniniwala ng karamihan tungkol sa mga multo sa paaralan.
Ngunit, ang mga kwentong ito’y maaring kuro-kuro lamang bunga ng malikot na pag-iisip ng mga tao. Huwag agad maniniwala sa mga kwento-kuwento. Hayaan mong ikaw mismo ang tumuklas kung ito’y totoo. Malay mo, sa’yo naman sila sunod na magpakita at magparamdam.
// ni Jaja Ledesma
Feature: Mga Nagtatago sa Dilim: Kababalaghan at Katatakutan sa Loob ng UPIS

0 comments: