filipino,
Tatlong Lumad ang inimbitahan ng paaralan noong Martes, Oktubre 25, para sa isang panayam sa University of the Philippines Integrated School (UPIS), isang gawaing naglayong talakayin ang iba’t-ibang isyung kinakaharap ng mga Lumad.
Pinaunlakan nina Diden Landasan at Amelita Bago ang imbitasyon na kapwa miyembro ng Pigyayungaan. Kasama rin nila si Betty Tunasan na isang kasapi ng Tinduga. Ang Pigyayungaan at Tinduga ay mga organisasyon ng Lumad sa hilagang Mindanao.
Isinalaysay ng mga panauhin ang mga karanasan nila sa kanilang lupang ninuno o ancestral lands sa Bukidnon, Mindanao. Ikinuwento nila ang mga suliraning kanilang kinakaharap partikular na ang ilang usaping pangkabuhayan, militarisasyon, at edukasyon. Inilahad din nila ang kanilang pagsang-ayon sa independent foreign policy na itinataguyod ni Pangulong Duterte.
Matapos ang kanilang pagbabahagi, sinundan naman ito ng question and answer forum. Ilan sa mga isyung naitanong ay ang naganap na dispersal sa US Embassy noong Oktubre 18. Nagkaroon din ng paglilinaw ang mga mag-aaral kaugnay ng gawain ng militar sa kanilang lupain. Ang kawalan ng tugon ng gobyerno sa kanilang hinaing, biased media coverage, at mga usapin ukol sa Estados Unidos tulad ng imperyalismo ay ilan din sa mga paksang itinanong ng mga estudyante. Doble sa inaasahang dami ng mga mag-aaral ang dumalo sa nasabing gawain.
Pinangunahan ng Departamento ng SK Filipino at Departamento ng Araling Panlipunan kasama ang Kilusang Araling Panlipunan, Sangguniang Pangwika, at klase ng Peryodismo 10 ang naturang panayam.
Dumating ang mga Lumad sa UP Diliman bilang bahagi ng Lakbayan 2016 kung saan nagtungo ang halos 3,000 Lumad at 500 katutubo ng Cordillera, Central Luzon, at Southern Luzon sa National Capital Region (NCR). Layon nilang magtanghal ng mga kultural na gawain at ibahagi sa publiko ang kanilang mga hinaing. Mananatili sila sa kampo hanggang Oktubre 26. Magbabalik sila sa kanilang lupang ninuno sa Biyernes, Oktubre 28. //Trisa de Ocampo
UPIS, nakiisa sa Kampuhan 2016

KATUTUBO. Pinaunlakan ng mga Lumad
na sina (mula L-R) Diden Landasan, Amelita Bago, at Betty Tunasan ang
imbitasyon ng UPIS para sa isang panayam. Photo credits: Trisa De Ocampo
|
PAGKAKAISA. Kasama ng mga bisitang
Lumad ang ilan sa mga mag-aaral na dumalo at nakibahagi sa programa. Photo
credits: Trisa De Ocampo
|
0 comments: