athousandMCwords,
Ang unang bagay na ipagagawa sa MC
Ay ang magsulat.
Magsulat.
Ano nga ba ang isusulat,
Kung wala naman akong papel,
Walang papel sa buhay mo?
Panulat.
Meron akong panulat.
Meron akong lapis na walang tasa.
Pointless.
Pointless na pagtingin dahil hindi nakikita.
Pero kailangang magpatuloy.
Gumamit ako ng bolpen.
Pero ang daming pagkakamali
Ubos na ang correction tape ko pero hindi pa rin mabura
Ayaw mabura sa isip ko ang ngiti mong kay ganda
Ayaw mabura sa isip ko ang ‘hi’ at ‘hello’ mo na parang ‘I love you’ na
Ayaw mabura sa isip ko na may gusto ka na palang iba
Hindi ako
Hindi ako makapagsulat.
‘Wag ngayon.
Upang ipaalala sa aking sarili, ako’y nagdikit ng Post-it sa pader.
“Bukas: Magsusulat na ako.”
Dumating ang panibagong araw,
Wala na ang Post-it.
Mga alaala nating kinalimutan mo
Parang Post-it na idinikit sa pader.
Ilang saglit, nasa utak mo tapos wala na, maglalaho.
Ilang sandali, nakatapos din.
Nakapagsulat na ng isang mahabang tula
Sa haba, kinailangan ko i-staple
Pero nagkamali ako ng napagsamang papel
Kinailangan ko pang paghiwalayin.
Ang mahirap sa staple wire, nag-iiwan ng marka
Kahit anong pagbibitiw ang gawin
Nananatili pa rin
Sa utak ko ang saya nang mabasa mo ang aking obra
Ang sinabi mo:
“Ang ganda naman.”
Napunit ang gilid ng papel noong pilit kong pinaghiwalay
Ang tanga ko talaga.
Bahala na.
Aking pinasa ang ginawang tula
Pero walang gurong naghihintay sa mesa
Iniwan ko na lang at nilagyan
Sa ibabaw ng paperweight
Paperweight na napakabigat
Napakabigat sa pakiramdam na hindi pwede
Hindi pwedeng maging tayo
Kasi meron nang kayo.
Wala akong papel.
Walang punto.
Hindi ko kayang burahin sa isip ko ang mga nakalimutan mo nang mga alaala
Hindi ko kayang mabura ang pagkakamali kong minahal kita.
Hindi ako nag-paper clip para walang marka, walang maiiwan, walang masisira.
Walang nandoon sa mesa
Na naghihintay na tumanggap
Ng aking tulang isinulat.
Walang tumanggap ng ibinuhos na damdamin.
Hindi mo nabasa itong tula
Na para sa iyo kahit hindi ka akin.
Literary (Submission): The MC Effect

0 comments: