filipino,
Sa araw-araw na pagpasok, hindi na bago ang makarinig ng iba’t ibang hirit sa klasrum. Ngayong Teacher’s Day, narito ang ilan lang sa mga sikat na hirit nating mga taga-UPIS:
“Good morning, Ma’am/Sir!”
Ito na ang nakasanayan nating pambungad sa araw-araw. Madalas winawalang-bahala na lang ito, minsan nga hindi na kami bumabati kapag nakakasalubong kayo. Pero mga mahal naming guro, good nga ba talaga ang morning ninyo?
Sa likod ng masisiglang pagbati, kulang ang inyong tulog, ‘di pa kayo nakakakain at may trabaho pa kayo pagkatapos ng klase. Pero hindi namin alam ‘yun- kasi hindi ninyo ipinapakita. Kung tutuusin, kapag kami ang matamlay kayo pa ang nanghihikayat sa amin. Simulang-simula pa lang ng araw, kami na agad ang iniisip niyo at hindi ang sarili ninyo.
“Ma’am, pa-consult naman!”
Kahit hindi scheduled at kahit halos buong workbook na ang ipapa-consult namin, okay lang sa inyo. Minsan paisa-isa pa kaming pumupunta tapos pare-pareho lang naman ang tanong. Minsan naman isang batalyon kami kung mag-abang sa table ninyo. Pero kahit ganun, hindi ninyo pinagkakait ang inyong oras. Gagawin niyo talaga ang lahat para lang matuto kami.
“Haaa?”
Ayan na. Kapag narinig na ninyo ‘yan, tapos nakikita ninyong tuliro na kami with matching pagnganga- alam n’yo na. Ang haba-haba ng sinabi ninyo, pero wala naman palang naka-gets. Hingang malalim, at uulitin ang explanation kahit napaos na ang inyong mga boses- ganyan kayo ka-concerned sa amin. Sinisiguro niyong naiintindihan naming mabuti ang lesson dahil ayaw ninyong basta-basta lang ang aming natututunan.
“Sir, ‘wag na po kayong magbigay ng homework!”
Siyempre biro lang po ‘yan. Minsan pumapayag kayong mag-extend ng deadline sa homework o di kaya magdagdag ng bonus sa long test. Kahit alam n’yo namang madali lang ‘yung HW, iniintindi ninyo kami. Kahit ibig sabihin nito’y matatagalan kayo sa pag-check, sige lang! Pero may hanggangan din naman ang pasensya ninyo. Alam n’yo rin kung kailan tama na ang palugit, sobra na ang extension. Dahil sa inyo, natututo kaming maging responsable at mahusay sa lahat ng pagkakataon.
“Paalam po…”
Siyempre hindi mawawala sa isang araw ang inaasam-asam na uwian! Minsan may kasama pang paghiyaw ‘yan ng ‘happy weekend!!!’. Pero hindi lang pala estudyante ang nagdidiwang tuwing dismissal. Pagkatapos ng napakahaaabaang araw, hindi lang alam ng nakararami pero uwing-uwi na rin pala kayo. Kung pagod na kami at inaantok na, aba’y mas lalo na siguro kayo. Pero kahit ganito, hihintayin niyo pa rin kaming mag-ayos ng bag, magpulot ng kalat kahit ang tagaaaaaal- tagal naming kumilos.
…at marami pong salamat. ”
Kahit hindi halata, sana malaman n’yo pa ring sa bawat araw na nagwawakas, dala-dala namin ang inyong mga payo at aral. Paglabas ng silid-aralan, hindi lang namin kayo mga guro, kundi mga kaibigan din. Kasama namin kayo sa lahat: sa kilig at asaran ng mga kaklase; sa class productions, talo man o panalo; hanggang sa powerdance na palaging nauuwi sa iyakan. Maraming salamat dahil sa lahat ng aspekto ng buhay-estudyante namin ay naroon kayo. Kasama naming sa araw-araw, at sa bawat oras na nasa loob kami ng paaralan.
Sana ngayong araw ninyo ay maipaabot namin ang pagpapasalamat na hindi namin nasasabi araw-araw. Hayaan ninyong masabi namin kahit ngayon lang na malaking bagay ang inyong sakripisyo. Malaking bagay na naroon kayo sa tabi namin para makayanan ang buhay sa paaralan. Marami kaming natutuhang leksyon sa inyo. Mga aral na hindi mapapantayan sapagkat nakatatak sa aming puso, sa aming pagkatao.
Kaya kahit ngayon lang, hayaan din ninyong humirit kaming mga estudyante para sa inyong mga mahal naming guro: Para sa lahat ng inyong sakripisyo, saludo po kami sa inyong lahat. Higit sa lahat, maraming maraming salamat po.
Literary: Limang Hirit ni Isko ngayong Teacher's Day

0 comments: