athousandMCwords,
Sa pagbuka ng iyong bibig,
Isipin kung ang bawat salita ba’y dapat marinig,
Isipin kung ang sasabihi’y may katuturan,
Isipin kung may matutuwa o masasaktan.
Sa bawat letrang binibigkas,
Sa bawat salitang sa bibig ay lumalabas,
Sa bawat pangungusap na nabubuo,
Isang pahayag ang nabibigyang-anyo.
Mag-ingat sa pananalita
Dahil sa bawat pagbuka ng bibig
Isang mensahe ang maririnig
Mensaheng maaaring nakakatuwa o di kaya’y dulot ay luha
Mag-ingat sa pagbuka ng bibig
Dahil hindi lamang damdamin ang maaaring masaktan
Kundi pati ang ilong ng taong nasa iyong harapan
Kaya mag-ingat sa pananalita
Literary: Babala

0 comments: