hexagon,

Literary (Submission): Anino

10/17/2016 07:44:00 PM Media Center 0 Comments






Ako’y nasa iyong tabi kahit saan ka magpunta
Kaakbay mo sa lungkot at sa ligaya
Ang bawat araw ay maligaya
Sapagkat ika’y kasama

Mumunti mong kaibigan ngunit ‘di mo pinapansin
Mga nagaganap na lihim na pagtingin
Pilit isinisigaw ng puso ngunit ‘di ko kayang sabihin
Sa takot na mawala ang pagkakaibigan natin

Kaya’t patuloy na kinikimkim, pinagmamasdan kang patago
Pag-asa na maging tayo’y unti-unting naglalaho
Nabalot ng kalungkutan ngunit puso’y kuntento
Sapagkat hanggang ngayo’y magkalapit pa rin tayo

Kahit tuluyan ko nang ibinaon ang mga nararamdaman
Sa kailaliman ng pusong iyong nakamtan
Mananalangin sa pangarap na ‘di mangyayari kailanman
Hangga’t bulag ka pa rin sa liwanag ng ating pagkakaibigan

You Might Also Like

0 comments: