literary,
Nagmamadali na akong lumabas kasi alam kong naghihintay ka na. Minsan na nga lang tayo magkita, baka awayin mo pa ako. Kaya tumakbo na ako pababa ng hagdanan. Kung mahulog man ako, bahala na si Batman.
Tuwing nagkakatagpo, saya lang ang nararamdaman ko. Nawawala ang stress ko kahit may exam pa kinabukasan o tambak ang requirements ko. Kasi kapag kapiling kita, ikaw lang ang iniisip ko. Ikaw lang, tayo lang. Lagi akong tumatawa kahit corny pa ‘yang mga biro mo na mas malabo pa ng 10x kaysa sa mata ko. Pero okay lang, makasama lang kita masaya na ako.
Sinusulit ko na ang bawat araw na kasama ka. Alam ko kasing ang susunod na rito ay pagkatapos pa ng ilang linggo.
Nakababaliw pala kapag bihira kang makita. Maaalala ko na lang ang mga tawa, ngiti, at boses mo-lahat.. Kaso mananatiling alaala lang pala, tapos malulungkot na naman ako. Sana sa halip na nag-iilusyon ako, kasama na lang kita.
Tapos uuwi na tayo. Huling yakap. Huling ngiti. Sa susunod na ilang linggo pa magkikitang muli. Ilang linggo na naman akong malalayo sa’yo.
Literary (Submission): Sa Susunod Ulit
Nagmamadali na akong lumabas kasi alam kong naghihintay ka na. Minsan na nga lang tayo magkita, baka awayin mo pa ako. Kaya tumakbo na ako pababa ng hagdanan. Kung mahulog man ako, bahala na si Batman.
Pagod pa ako pero nagmamadali akong nagbihis para puntahan ka.
Kanina pa akong paikot-ikot dito kahihintay sa iyo. Ang tagal mo…
Sa wakas, nakikita na kitang tumatakbo pababa.
Nawala ang pagod ko at napangiti na lang.
“Kamusta ka? Tara na.”
Tuwing nagkakatagpo, saya lang ang nararamdaman ko. Nawawala ang stress ko kahit may exam pa kinabukasan o tambak ang requirements ko. Kasi kapag kapiling kita, ikaw lang ang iniisip ko. Ikaw lang, tayo lang. Lagi akong tumatawa kahit corny pa ‘yang mga biro mo na mas malabo pa ng 10x kaysa sa mata ko. Pero okay lang, makasama lang kita masaya na ako.
Ang gaan sa pakiramdam, nawawala lahat ng pagod ko sa tuwing kapiling kita.
Ang dami mong kwento. Hindi na nga ako sumasabat kapag nagsasalita ka.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa iyo.
Pinagmamasdan ko ang mga mata mo, ang ngiti mo.
Pinakikinggan ko rin ang tawa mo dahil nakakatuwa ito, nakakahawa.
Nahahawa na nga rin ako sa mga kabaliwan mo.
Basta, masaya ako ‘pag nakakasama kita.
Sinusulit ko na ang bawat araw na kasama ka. Alam ko kasing ang susunod na rito ay pagkatapos pa ng ilang linggo.
Hindi ko sinasayang ang bawat sandaling kasama pa kita kahit anong kwento, biruan at kulitan.
Makita ko lang na masaya ka, masaya na rin ako.
Tapos kakain tayo, mag-uusap.
Mag-uusap tungkol sa halos lahat ng naganap sa ilang linggo mula pa noong huli tayong magkita. Mapupuno na naman ng kwento at tawanan ang gabing kasama kita.
Nakababaliw pala kapag bihira kang makita. Maaalala ko na lang ang mga tawa, ngiti, at boses mo-lahat.. Kaso mananatiling alaala lang pala, tapos malulungkot na naman ako. Sana sa halip na nag-iilusyon ako, kasama na lang kita.
Miss na kita. Ikaw na lang lagi ang laman ng isip ko.
Nakalulungkot na minsan lang tayo magkita.
Masyado tayong busy sa kung anu-anong bagay.
Kung pwede lang sana na araw-araw kitang makasama gagawin ko.
‘Di ko kailanman pagsasawaan ang lahat ng oras na kapiling kita.
Tapos uuwi na tayo. Huling yakap. Huling ngiti. Sa susunod na ilang linggo pa magkikitang muli. Ilang linggo na naman akong malalayo sa’yo.
Paalam na. Kailangan ko nang umuwi.
Masaya kong binitiwan ang kamay mo.
Sabay yakap nang mahigpit sa akin.
Para bang ayaw mong muling malayo sa piling ko
Sa paghihiwalay na iyon sabay na ibubulong...
Salamat. Sa susunod ulit.
0 comments: