literary,

Literary (Submission): Siya Pa Rin

10/17/2016 07:31:00 PM Media Center 0 Comments






Sa bawat araw at gabing dumating
Walang iba, ikaw pa rin
Sa bawat minuto at oras na lumipas
Walang iba, ikaw pa rin
Sa bawat lugar na aking napuntahan
Walang iba, ikaw pa rin
Sa bawat taong sinubukan kong mahalin
Walang iba, ikaw pa rin

Kung pakikinggan mo ang aking bukambibig
Walang iba, kundi ikaw pa rin

Kaya’t nagunaw ang mundo ko
Nandilim, nanlumbay, nalugmok, naglaho
Nang harapan kong itanong sa iyo
Kung sino ang pipiliin mo

Kung para sa akin, ikaw pa rin
Habang sa iyo ay siya pa rin

You Might Also Like

0 comments: