literary,
Makikisuyo sana ako sa’yo
Oo, sa’yo na nagbabasa nito
Na kung pwede ay tulungan mo akong
Iabot sa kanya ang liham na ito
Hindi ko na kasi siya mahagilap
Hindi ko na siya makausap
Gayunma’y lagi ‘kong naririnig
Ang awit niyang nakikiusap
Awit na kapag sinubukan kong pakinggan
Para malaman ang pinanggalingan,
Ay di ko man lang maintindihan,
Parang nabibingi sa katahimikan
Kaya kung inyo man siyang makita
O marinig ang kaniyang katha
Nais kong siya’y inyong pakinggan
Tabihan at bigyang pag-unawa
At pakisabi,
Na kahit na hindi na siya bumalik pa,
Maghihintay ako,
Ilang beses ko mang kailangang
Katukin at basagin ang tinitigang salamin
Literary (Submission): Pakisabi
Makikisuyo sana ako sa’yo
Oo, sa’yo na nagbabasa nito
Na kung pwede ay tulungan mo akong
Iabot sa kanya ang liham na ito
Hindi ko na kasi siya mahagilap
Hindi ko na siya makausap
Gayunma’y lagi ‘kong naririnig
Ang awit niyang nakikiusap
Awit na kapag sinubukan kong pakinggan
Para malaman ang pinanggalingan,
Ay di ko man lang maintindihan,
Parang nabibingi sa katahimikan
Kaya kung inyo man siyang makita
O marinig ang kaniyang katha
Nais kong siya’y inyong pakinggan
Tabihan at bigyang pag-unawa
At pakisabi,
Na kahit na hindi na siya bumalik pa,
Maghihintay ako,
Ilang beses ko mang kailangang
Katukin at basagin ang tinitigang salamin
0 comments: