athousandMCwords,
Tayo’y nagsimula sa tatlong simpleng salita…
“May homework ba?” (Hehe ang anti-climactic noh? Sige lang, magbasa ka pa.)
Una, balak ko lang sanang i-seenzone ka. Ang first impression ko kasi sa’yo ay wala kang pakialam sa acads. Kaso hindi naman ako ‘yung ganoong tipo ng tao. Kaya sinagot ko ang tanong mo. “Pages 54-65 ng English workbook.” Buti na lang hindi ka nagtanong ng mga sagot, kasi hindi ko pa rin tapos ang HW noon.
Akala ko matatapos na sa “Maraming salamat, Grande” ang pagtatanong mo. Hindi ko alam kung anong powers ng universe ang gumalaw noon at umabot tayo ng 11:30 ng gabi hanggang sa pinatayan na ako ng wi-fi. Hindi mo tuloy natapos ‘yung kwento mo.
Noong sumunod na araw, nagkita tayo sa eskwela…
“Tinulugan mo ako,” bungad mo sa akin, sabay simangot na pa-cute. Aba, para namang close tayo, porket nag-chat lang tayo kagabi. Nag-sorry naman ako tapos tinuloy mo na ulit ‘yung kwento mo. Matatawa na sana ako sa kabaduyan mo, pero biglang nagsitilian ang mga kaklase natin. “Yieeeee!!!!” sigaw nilang lahat. Ayun na nga, inasar na nila tayo.
Pero kakaiba ka rin. Parang wala lang sa iyo ang pang-aasar nila. Sabi mo, hindi mo na lang sila papansinin dahil sobrang dami mo ngang kwento. Kung sa bagay, totoo naman. Mas marami ka pa ngang alam na tsismis ng ibang batch kaysa sa akin. Isa ka talagang dakilang “Star Patroler”. Hanggang pag-uwi, nag-message ka kaagad kasi may nalaman ka na naman… yung totoo?
“Tulog na tayo.”
Ayan, pagod ka na kakatsismis mo sakin. Di ko alam pero bigla akong kinilig. Natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. Sana may naramdaman ka rin ganon pera di naman ako umasa ulit.
Kinabukasan...
"Good morning Grande :)”
Di ko man sinabi pero sa totoo lang, pagbasa ko sa text mo gumanda ang umaga ko, naging ‘sing ganda ko! Akala ko magkekwento ka ulit pero ako naman ang pinagkwento mo.
Lahat ng masalimuot na pangyayari sa buhay ko, nasabi ko na. Salamat dahil nakinig ka.
Sana ganito na lang tayo palagi...
"Tayo na lang partner?"
May pair work sa English noong tinanong mo ako n’yan. Syempre inasar na naman nila tayo. Naramdam kong uminit ang pisngi ko. Iniwasan ko ang tingin mo dahil alam kong namumula na ako. Nakakahiya talaga pero ‘di ko kasi matagong kinikilig ako eh.
Hanggang sa...
"Akin ka na lang," sabi mo out of nowhere. Hindi ko alam ang sasabihin ko noon.
“Hwag kang magbiro ng ganyan at huwag kang makulit. Busy ako ngayon,” pagkukunwari ko. Pero kinulit mo ako. Umamin kang kaya ka nagtatanong ng homework ay para makausap ako kahit tapos mo na pala itong sagutan.
Mas lalong hindi ko na alam ang sasabihin ko noon...
"Tayo na ba?" bigla mo na namang itinanong. Sa puntong iyon mukhang seryoso ka na talaga. Naramdaman kong kinailangan ko na talagang mag-reply kaya...
"Oo, tayo na," sagot ko matapos ng ilang minutong pagninilay. Na-realize kong tayo na pala talaga, hindi lang natin inamin sa isa’t isa.
“TAYO NA?!!” sagot mo kaagad.
Sobrang saya ni Kuya oh. Pero sobrang saya ko rin naman noong araw na iyon.
Naalala ko, nanlibre ka pa nga ng pizza sa buong klase kinabukasan. Tapos noong tinanong ka kung bakit, bigla mo namang sinigaw na tayo na. Nakakahiya, pero okey lang kasi nakita ko kung gaano ka kasaya.
Dito ko na tatapusin ang istoryang ito. Ayokong tapusin ang kuwento sa tatlong salita tulad ng "Nasasakal na ako," "May iba na," "Tapos na tayo." Hindi naman siguro ‘yun mangyayari… sana…
Hindi ko pa nga naririnig ‘yung tatlong salitang gusto kong marinig mula sa mga labi mo eh. Nagsisimula pa lang tayo katapusan na natin ang iniisip ko.
Sinulyapan kita sa kinauupan mo. Kinukwento mo sa barkada mo kung paano naging tayo. Sobrang saya mo noon. Napatingin ka sa akin at ngumiti ka. Napalagay ang loob ko sa titig mo. Natigil ang pag-aalinlangang bumubulong-bulong sa akin. Aasa ako. Alam kong maririnig ko rin ang tatlong salitang iyon mula sa iyo, sa tamang panahon.
Literary: Tatlong Salita

0 comments: