bella swan,
Basahin ang unang bahagi dito: http://upismc.blogspot.com/2016/09/literary-submission-hanap-hanap.html
Noon pa man, ordinaryong araw lang para sa akin ang birthday ko. Siguro dahil lumaki ako sa pamilyang hindi masyadong pinaghahandaan o, sabihin na nating, hindi masyadong pinahahalagahan ang pagse-celebrate ng birthday. Binabati pa rin naman ako ng pamilya ko at madalas kumakain kami sa labas. Minsan, maaambunan ako ng maliit na regalo o pambili ng regalo pero… ayun. Ganun lang.
Siguro nagsawa na lang rin ako. May panahon rin namang excited ako mag-birthday. Noong bata pa ako, pinagwiwish ako ng nanay ko tuwing birthday ko. Pinag-iisipan ko talagang mabuti kung anong hihilingin. Kaya lang parating hindi natutupad. Maghintay lang daw ako. Sa tamang panahon daw kasi natutupad ang mga hiling. Kahit pa birthday mo at yun ang tanging ikasasaya mo, kung hindi pa ‘yun ang tamang panahon, hindi mo pa makukuha. Kaso namuti na ang mata ko sa kahihintay, hindi pa rin ako napagbibigyan.
‘Yan rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong naniniwala sa Universe na ‘yan. Signs? Pfffft. Hindi naman kailangan bigyan ng meaning lahat. Destiny? Meant to be? Wala namang ganun. Sa lahat ng pangyayari ‘yung tao naman ang gumagawa o pumipili kaya pag maganda ang kinalabasan. ‘yung tao ang dapat bigyan ng credit kagaya nang kung masama ang kinahantungan, ‘yung tao rin ang dapat sisihin.
Ganyan ang prinsipyo ko sa buhay. Alam kong wala akong ibang dapat asahan kundi ang sarili ko, kaya pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan ko ang mga gusto ko. Kapag hindi ko nakuha, ibig sabihin nagkulang ako sa effort kaya sinusubukan ko pa ring paulit-ulit hanggang makuha ko o at least man lang makuntento na ako sa resulta. Madalas, nagbubunga ang pag-eeffort ko.
Maliban sa’yo.
Mula noong maging madalas tayong magkatabi at magkagrupo noong Grade 7, sinikap ko nang mapalapit sa’yo. Alangan namang hindi kita kaibiganin eh pati sa YLO magkasama tayo. Ang pangit naman nung laging magkatrabaho tapos di man lang nag-uusap.
Kaya lagi kitang kinukwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang. Natutuwa ako pag napapangiti kita pero gustong-gusto ko pag tumatawa ka. Ang ganda pakinggan eh. Tsaka nakakahawa. Minsan tuloy kahit wala naman talagang dahilan, tatabihan kita, kakausapin at kukulitin. Kahit alam ko naman kung ano ang homework o aaralin, ichachat pa rin kita. Kahit di ko naman talaga kailangan ng tulong o kasama, magpapatulong pa rin ako o magpapasama sa’yo.
Akala ko okay naman tayo. Kahit nang-aasar sila dahil nagiging close tayo, parang hindi naman tayo apektado. Kaso mula nung tinukso tayo dahil magkasunod na nga tayo ng class number, magkasunod pa tayo ng birthday, nailang ka na. Hindi mo na ko masyadong pinapansin. Nawalan ka ng ganang makipag-usap sa ‘kin. Kahit sa chat madalang mo na akong sinasagot.
‘Yan ang totoong dahilan kaya tinigilan kita. Kahit naman todo ako mag-effort para sa mga gusto ko, hindi naman ako nagpupumilit sa ayaw. Marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit alam kong gusto kitang maging kaibigan, siguro higit pa nga doon, pinili kong umiwas na.
Sa iba na lang ako nag-effort. Nag-aral akong mabuti, sumali sa ibang org, nakahanap ng mga bagong interes, at nagkaron ng mga bagong kaibigan. Nagkaroon pa nga ako ng ka-MU kaya lang hassle eh.
Pero sa totoo lang, sa dalawang taon na hindi tayo magkaklase, madalas pa rin kitang maalala. At madalas ko ring pag-isipan kung ano kayang nangyari sakaling nagpatuloy ang pagiging close natin. Paano ba namang hindi? Eh ang dalas nating magkita—sa sakayan, sa jeep, sa simbahan.
Inaamin ko naman na minsan sinasadya ko ‘yan. Noong mga dalawang beses na kitang nakakasabay papuntang school, medyo tinatimingan ko na yung alis ko para maabutan kitang naghihintay ng Ikot. Noong minsan na nagpumilit si Mama na 6:00 AM magsimba, bad trip na bad trip ako! Pero nakasabay kita sa pila ng communion kaya nung sumunod na Linggo, 5:00 AM pa lang gising na ako at naghahanda nang umalis.
Pero nagsisimula na rin akong maniwala na baka nga may kinalaman ang Universe na ‘yan sa mga nangyayari. Gaya ng dati, basta naman may chance, hindi ako nagdadalawang-isip na kunin. Kaso mayroon rin talagang mga pangyayari na natutulungan ako ng pagkakataon.
Nung socials nung Grade 8, ang tagal kong naghintay maisayaw ka. Uupo ka pa lang, yayayain ka na naman ng iba. Nang sa wakas turn ko na, sakto sa Can’t Help Falling in Love na kanta. Di ko alam kung nahalata mo pero di ako mapakali nun. Sakto rin kasi yung kanta sa feelings ko.
Nung 15th birthday ko, nabuyo ako ng mga kabarkada kong manlibre sa EK. ‘Yung lakad namin, araw ng birthday mo. Sa biyahe pa lang iniisip ko na kung babatiin na kita sa text o mamaya na lang sa chat. At habang nagtatalo ang isip ko kung friendly ba ako o feeling pag binigyan kita ng regalo, ayun ka rin sa pila ng Space Shuttle.
Nung poem exchange sa English Week, alam kong ikaw ang sumagot sa tula ko. Mema lang yun. Konti lang kasi ang time na binigay. Pero ang ganda ng sagot mo. Kinilig ako kahit di ako sigurado kung alam mong sa ‘kin yung nireplyan mo. Hanggang ngayon nakatupi pa iyon at nakatago sa wallet ko.
At nung bakasyon, hindi ko talaga akalaing madalas kitang makakasama. Masayang-masaya ako dahil naging close tayo ulit. Pero nagsimula akong makaramdam ng kaba. Nararamdaman ko nang gusto kita at feeling ko gusto mo rin ako. Paano kung maging tayo tapos katulad ka pala ng dati kong ka-MU na masyadong selosa at mataas ang expectations? At paano kung masyado lang pala kong assumero tas di mo pala talaga ko gusto? Aray ko po.
Praning na kung praning pero ganyan talaga ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko tuloy malaman paano magrereact kapag inaasar tayo. Palagay ko kasi sakyan ko man o hindi ko pansinin, iisipin mo feelingero ako. Kaya sinusubukan ko na lang na hindi magrereact at tinitingnan ko na lang ang reaksyon mo. Gusto kong malaman kung gaya dati, naiilang ka pa rin. Madalas tuloy mukhang wala akong pake (kahit marami talaga).
“Bat ka pa-chix?” pang-aasar ng mga kaibigan ko.
Bat hindi? Bawal ba?
“Natotorpe ka yata eh!”
Torpe agad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang muna?
“Gusto mo naman siya. Bakit ang gulo mo?”
Di ko nga rin alam eh.
“Bahala ka! Di ka na papansinin nun.”
Hala. Oo nga.
Pssh sanay naman na ako. Pero… ayoko rin namang wala lang ako sa’yo. Ang gulo ko pala talagaaaa. Nakakainis. Sa bawat kasiguraduhang pumapasok sa utak ko, may kumokontrang pag-aalinlangan.
Siguro ngayong taon, isa lang ang magiging hiling ko: ang magkalinawan na tayo. At siguro sisimulan ko sa birthday mo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa birthday mo. Babatiin na lang ba kita o bibigyan ba kita ng regalo? Gusto naman kitang sorpresahin pero una, nasa camping tayo at pangalawa, parang ang lakas naman maka-boypren pag ganun ang ginawa ko.
Gusto naman akong tulungan ng mga kaibigan ko kaya inaassign sana nila tayo sa isang station ng amazing race. Kaso hindi ka pumayag. Nako. Naiinis ka na yata sa ‘kin.
“Sa socials may plano kami,” sabi ng best friend mo. “Simple lang. Sasabihin ko sa’yo kung anong gagawin mo.”
Okay lang kaya? Baka magalit ka eh. “Hindi ‘yan! Maniwala ka!” sabi nila.
Kaya naman nanginginig ako habang hawak ang cake mo. Pasmado na nga ako, kabado pa. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon mo pag nakita mo na ako. Pero mukha namang natuwa ka kaya lumakas ng konti ang loob ko.
Pagkatapos mong magpasalamat sa ‘kin, lumapit ang ilang Senior Scouts at nag-abot ng fluffy mamon na may kandilang wala pang sindi. “Sir, pasensya na, mamon lang nakayanan namin,” natatawa nilang sabi. “Ube flavor naman ho ‘yan!”
“Okay nga eh. Salamat,” nakangiti kong sinabi. “‘Yung request ko na lang,” paalala ko sa kanila. Nang makaalis na sila, humarap ako ulit sa’yo at tinanong ko, “Nakapag-wish ka ba bago natunaw yung kandila?” Alam ko kasi kung gaano kahalaga sa’yo ang mga ganito.
Natawa ka. "Nakapag-wish. Pero hindi yung plano kong hilingin."
“Sa’yo na ‘to. Mag-wish ka pa ulit,” inabot ko sa’yo ang dala nila.
Umiling ka. “Okay na ako. Nakarating na ‘yun sa Universe.” Kinuha mo ang mamon at ikaw na ang nagsindi ng kandila. “Sige na. Para sa’yo ‘to. Birthday mo na eh.”
Binulong ko na ang hiling ko at hinipan ang kandila. “Ang bilis naman!” wika mo.
“Para mabilis ring matupad,” sagot kong nakangiti. Narinig ko nang nag-announce ng last dance sa Socials at pagkatapos, pinatugtog na ang intro ng nirequest ko. Hinawakan ko ang kamay mo sabay sinabing, “Sayaw tayo.” Sakto ang pagpasok natin sa Bulwagan sa unang linya ng kanta.
“Wise men say… only fools rush in…”
Tumahimik ka at nakinig. “Ito na naman yung kanta,” sabi mo. Ngumiti lang ako. “Ito rin yung kanta nung sinayaw mo ko nung prom,” patuloy mo. Hindi pa rin ako nagsasalita. “Tsaka nung—“
“—nung Socials. Nung Grade 8,” pagsalo ko. Ngumiti ako at tumango, “Oo.”
“Ah…” Napangiti ka na rin. Tumahimik tayong sandali na para bang pareho tayong nag-iisip ng susunod na sasabihin. Tapos nagkuwentuhan at nagbiruan na tayo habang sumasayaw. Minsan sinasabayan natin ang kanta at nang matatapos na, binati mo ako. “Happy birthday,” sabi mo. “Sana matupad rin ang wish mo. Kahit minadali mo.”
Tumawa ako nang mahina. “Hindi ako nag-wish.”
“Bakit?” nagtataka mong tanong.
Tumawa ako ulit at nagkibit ng balikat, “Wala lang.”
Hindi ako nag-wish kasi hindi na kailangan. Imbis na humiling, nagpasalamat ako dahil masaya ka kaya masaya rin ako. Nagpasalamat ako dahil nabubuhay ang pag-asa ko na magkakalinawan tayo. At higit sa lahat, nagpasalamat ako dahil kahit madalas ko siyang pagdudahan, kahit madalas kong hindi sundin, mabait pa rin ang Universe sa akin.
Literary (Submission): Hanap-hanap* (Part 2)
Basahin ang unang bahagi dito: http://upismc.blogspot.com/2016/09/literary-submission-hanap-hanap.html
“Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap…”
Siguro nagsawa na lang rin ako. May panahon rin namang excited ako mag-birthday. Noong bata pa ako, pinagwiwish ako ng nanay ko tuwing birthday ko. Pinag-iisipan ko talagang mabuti kung anong hihilingin. Kaya lang parating hindi natutupad. Maghintay lang daw ako. Sa tamang panahon daw kasi natutupad ang mga hiling. Kahit pa birthday mo at yun ang tanging ikasasaya mo, kung hindi pa ‘yun ang tamang panahon, hindi mo pa makukuha. Kaso namuti na ang mata ko sa kahihintay, hindi pa rin ako napagbibigyan.
‘Yan rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong naniniwala sa Universe na ‘yan. Signs? Pfffft. Hindi naman kailangan bigyan ng meaning lahat. Destiny? Meant to be? Wala namang ganun. Sa lahat ng pangyayari ‘yung tao naman ang gumagawa o pumipili kaya pag maganda ang kinalabasan. ‘yung tao ang dapat bigyan ng credit kagaya nang kung masama ang kinahantungan, ‘yung tao rin ang dapat sisihin.
Ganyan ang prinsipyo ko sa buhay. Alam kong wala akong ibang dapat asahan kundi ang sarili ko, kaya pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan ko ang mga gusto ko. Kapag hindi ko nakuha, ibig sabihin nagkulang ako sa effort kaya sinusubukan ko pa ring paulit-ulit hanggang makuha ko o at least man lang makuntento na ako sa resulta. Madalas, nagbubunga ang pag-eeffort ko.
Maliban sa’yo.
“Inakala ko ring ganun kadaling alisin ka sa buhay kong ito…”
Mula noong maging madalas tayong magkatabi at magkagrupo noong Grade 7, sinikap ko nang mapalapit sa’yo. Alangan namang hindi kita kaibiganin eh pati sa YLO magkasama tayo. Ang pangit naman nung laging magkatrabaho tapos di man lang nag-uusap.
Kaya lagi kitang kinukwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang. Natutuwa ako pag napapangiti kita pero gustong-gusto ko pag tumatawa ka. Ang ganda pakinggan eh. Tsaka nakakahawa. Minsan tuloy kahit wala naman talagang dahilan, tatabihan kita, kakausapin at kukulitin. Kahit alam ko naman kung ano ang homework o aaralin, ichachat pa rin kita. Kahit di ko naman talaga kailangan ng tulong o kasama, magpapatulong pa rin ako o magpapasama sa’yo.
Akala ko okay naman tayo. Kahit nang-aasar sila dahil nagiging close tayo, parang hindi naman tayo apektado. Kaso mula nung tinukso tayo dahil magkasunod na nga tayo ng class number, magkasunod pa tayo ng birthday, nailang ka na. Hindi mo na ko masyadong pinapansin. Nawalan ka ng ganang makipag-usap sa ‘kin. Kahit sa chat madalang mo na akong sinasagot.
‘Yan ang totoong dahilan kaya tinigilan kita. Kahit naman todo ako mag-effort para sa mga gusto ko, hindi naman ako nagpupumilit sa ayaw. Marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit alam kong gusto kitang maging kaibigan, siguro higit pa nga doon, pinili kong umiwas na.
“Sinubok umibig ng iba pero di rin nawala ang pag-ibig ko sa’yo…”
Sa iba na lang ako nag-effort. Nag-aral akong mabuti, sumali sa ibang org, nakahanap ng mga bagong interes, at nagkaron ng mga bagong kaibigan. Nagkaroon pa nga ako ng ka-MU kaya lang hassle eh.
Pero sa totoo lang, sa dalawang taon na hindi tayo magkaklase, madalas pa rin kitang maalala. At madalas ko ring pag-isipan kung ano kayang nangyari sakaling nagpatuloy ang pagiging close natin. Paano ba namang hindi? Eh ang dalas nating magkita—sa sakayan, sa jeep, sa simbahan.
Inaamin ko naman na minsan sinasadya ko ‘yan. Noong mga dalawang beses na kitang nakakasabay papuntang school, medyo tinatimingan ko na yung alis ko para maabutan kitang naghihintay ng Ikot. Noong minsan na nagpumilit si Mama na 6:00 AM magsimba, bad trip na bad trip ako! Pero nakasabay kita sa pila ng communion kaya nung sumunod na Linggo, 5:00 AM pa lang gising na ako at naghahanda nang umalis.
Pero nagsisimula na rin akong maniwala na baka nga may kinalaman ang Universe na ‘yan sa mga nangyayari. Gaya ng dati, basta naman may chance, hindi ako nagdadalawang-isip na kunin. Kaso mayroon rin talagang mga pangyayari na natutulungan ako ng pagkakataon.
Nung socials nung Grade 8, ang tagal kong naghintay maisayaw ka. Uupo ka pa lang, yayayain ka na naman ng iba. Nang sa wakas turn ko na, sakto sa Can’t Help Falling in Love na kanta. Di ko alam kung nahalata mo pero di ako mapakali nun. Sakto rin kasi yung kanta sa feelings ko.
Nung 15th birthday ko, nabuyo ako ng mga kabarkada kong manlibre sa EK. ‘Yung lakad namin, araw ng birthday mo. Sa biyahe pa lang iniisip ko na kung babatiin na kita sa text o mamaya na lang sa chat. At habang nagtatalo ang isip ko kung friendly ba ako o feeling pag binigyan kita ng regalo, ayun ka rin sa pila ng Space Shuttle.
Nung poem exchange sa English Week, alam kong ikaw ang sumagot sa tula ko. Mema lang yun. Konti lang kasi ang time na binigay. Pero ang ganda ng sagot mo. Kinilig ako kahit di ako sigurado kung alam mong sa ‘kin yung nireplyan mo. Hanggang ngayon nakatupi pa iyon at nakatago sa wallet ko.
At nung bakasyon, hindi ko talaga akalaing madalas kitang makakasama. Masayang-masaya ako dahil naging close tayo ulit. Pero nagsimula akong makaramdam ng kaba. Nararamdaman ko nang gusto kita at feeling ko gusto mo rin ako. Paano kung maging tayo tapos katulad ka pala ng dati kong ka-MU na masyadong selosa at mataas ang expectations? At paano kung masyado lang pala kong assumero tas di mo pala talaga ko gusto? Aray ko po.
“Pinili kong lumayo…”
Praning na kung praning pero ganyan talaga ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko tuloy malaman paano magrereact kapag inaasar tayo. Palagay ko kasi sakyan ko man o hindi ko pansinin, iisipin mo feelingero ako. Kaya sinusubukan ko na lang na hindi magrereact at tinitingnan ko na lang ang reaksyon mo. Gusto kong malaman kung gaya dati, naiilang ka pa rin. Madalas tuloy mukhang wala akong pake (kahit marami talaga).
“Bat ka pa-chix?” pang-aasar ng mga kaibigan ko.
Bat hindi? Bawal ba?
“Natotorpe ka yata eh!”
Torpe agad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang muna?
“Gusto mo naman siya. Bakit ang gulo mo?”
Di ko nga rin alam eh.
“Bahala ka! Di ka na papansinin nun.”
Hala. Oo nga.
Pssh sanay naman na ako. Pero… ayoko rin namang wala lang ako sa’yo. Ang gulo ko pala talagaaaa. Nakakainis. Sa bawat kasiguraduhang pumapasok sa utak ko, may kumokontrang pag-aalinlangan.
Siguro ngayong taon, isa lang ang magiging hiling ko: ang magkalinawan na tayo. At siguro sisimulan ko sa birthday mo.
“…ngunit pilitin ma’y bumabalik sa’yo…”
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa birthday mo. Babatiin na lang ba kita o bibigyan ba kita ng regalo? Gusto naman kitang sorpresahin pero una, nasa camping tayo at pangalawa, parang ang lakas naman maka-boypren pag ganun ang ginawa ko.
Gusto naman akong tulungan ng mga kaibigan ko kaya inaassign sana nila tayo sa isang station ng amazing race. Kaso hindi ka pumayag. Nako. Naiinis ka na yata sa ‘kin.
“Sa socials may plano kami,” sabi ng best friend mo. “Simple lang. Sasabihin ko sa’yo kung anong gagawin mo.”
Okay lang kaya? Baka magalit ka eh. “Hindi ‘yan! Maniwala ka!” sabi nila.
Kaya naman nanginginig ako habang hawak ang cake mo. Pasmado na nga ako, kabado pa. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon mo pag nakita mo na ako. Pero mukha namang natuwa ka kaya lumakas ng konti ang loob ko.
Pagkatapos mong magpasalamat sa ‘kin, lumapit ang ilang Senior Scouts at nag-abot ng fluffy mamon na may kandilang wala pang sindi. “Sir, pasensya na, mamon lang nakayanan namin,” natatawa nilang sabi. “Ube flavor naman ho ‘yan!”
“Okay nga eh. Salamat,” nakangiti kong sinabi. “‘Yung request ko na lang,” paalala ko sa kanila. Nang makaalis na sila, humarap ako ulit sa’yo at tinanong ko, “Nakapag-wish ka ba bago natunaw yung kandila?” Alam ko kasi kung gaano kahalaga sa’yo ang mga ganito.
Natawa ka. "Nakapag-wish. Pero hindi yung plano kong hilingin."
“Sa’yo na ‘to. Mag-wish ka pa ulit,” inabot ko sa’yo ang dala nila.
Umiling ka. “Okay na ako. Nakarating na ‘yun sa Universe.” Kinuha mo ang mamon at ikaw na ang nagsindi ng kandila. “Sige na. Para sa’yo ‘to. Birthday mo na eh.”
Binulong ko na ang hiling ko at hinipan ang kandila. “Ang bilis naman!” wika mo.
“Para mabilis ring matupad,” sagot kong nakangiti. Narinig ko nang nag-announce ng last dance sa Socials at pagkatapos, pinatugtog na ang intro ng nirequest ko. Hinawakan ko ang kamay mo sabay sinabing, “Sayaw tayo.” Sakto ang pagpasok natin sa Bulwagan sa unang linya ng kanta.
“Wise men say… only fools rush in…”
Tumahimik ka at nakinig. “Ito na naman yung kanta,” sabi mo. Ngumiti lang ako. “Ito rin yung kanta nung sinayaw mo ko nung prom,” patuloy mo. Hindi pa rin ako nagsasalita. “Tsaka nung—“
“—nung Socials. Nung Grade 8,” pagsalo ko. Ngumiti ako at tumango, “Oo.”
“Ah…” Napangiti ka na rin. Tumahimik tayong sandali na para bang pareho tayong nag-iisip ng susunod na sasabihin. Tapos nagkuwentuhan at nagbiruan na tayo habang sumasayaw. Minsan sinasabayan natin ang kanta at nang matatapos na, binati mo ako. “Happy birthday,” sabi mo. “Sana matupad rin ang wish mo. Kahit minadali mo.”
Tumawa ako nang mahina. “Hindi ako nag-wish.”
“Bakit?” nagtataka mong tanong.
Tumawa ako ulit at nagkibit ng balikat, “Wala lang.”
Hindi ako nag-wish kasi hindi na kailangan. Imbis na humiling, nagpasalamat ako dahil masaya ka kaya masaya rin ako. Nagpasalamat ako dahil nabubuhay ang pag-asa ko na magkakalinawan tayo. At higit sa lahat, nagpasalamat ako dahil kahit madalas ko siyang pagdudahan, kahit madalas kong hindi sundin, mabait pa rin ang Universe sa akin.
“Di nagbabago, ikaw ang hanap-hanap ko.”
*Inspired by James Reid and Nadine Lustre's Hanap-hanap

0 comments: